Facebook

TIER 1 RANKING NASIKWAT MULI NG PINAS SA 2021 TRAFFICKING IN PERSONS REPORT!

MARAMING dalang pagbabago si Chief Justice Alexander Gesmundo nang maitalaga ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Supreme Court (SC).

Nangunguna rito ang mas pinaigting na mga programa sa hudikatura kontra Covid-19.

Kamakailan naman, nakipagpulong sina Gesmundo at Associate Justice Ramon Paul Hernando sa mga kinatawan ng United Nations High Commissioner for Refugees o UNHCR Philippines.

Sa isang virtual courtesy call, nakaharap nina Gesmundo at Hernando si UNHCR Phils. Resident Coordinator Gustavo González at iba pa.

Napag-alaman na sa nasabing pulong ay tiniyak ng punong mahistrado ang commitment nito sa pagtitiyak na mangingibabaw ang mga karapatang pantao, kabilang ng mga refugees at stateless people.

Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang unang pagkakataon na nakipagpulong si Gesmundo sa UNHCR mula nang maitalaga bilang chief justice noong Abril ngayong taon.

Samantala, muling kinilala ng U.S. Department of State ang mas pinaigting na kampanya ng Pilipinas laban sa Trafficking in Persons o human trafficking.

Katunayan, sa isang virtual event ay inanunsiyo ni US Secretary of State Antony Blinken na sa ika-anim na sunod na taon ay nakuha ng Pinas ang pinakamataas na classification o Tier 1 status, batay na rin sa 2021 Trafficking in Persons o TIP Report.

Binanggit sa TIP Report na naabot ng bansa ang minimum standards para sa mga hakbang nito laban sa trafficking in persons sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Pahayag ng US State Department, mas dumami ang mga nakakasuhan at nahahatulang traffickers sa Pilipinas kumpara noong wala pang pandemya.

Maliban nga raw dito, nadagdagan din ang bilang ng mga nakatalagang prosecutors sa mga anti-trafficking task forces.

Kaya naman binati at pinasalamatan ni Justice Secretary at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Chairperson Menardo Guevarra ang lahat ng mga miyembro at opisyal ng task force sa panibago nilang accomplishment.

Maging si Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, Usec-in-charge ng IACAT, ay nagpasalamat din sa US State Department sa kanilang patuloy na suporta at kooperasyon sa adbokasiya ng Pangulong Duterte na panatilihing prayoridad ang anti-trafficking response sa pamamagitan ng inisyu nitong marching orders ukol sa mas pinaigting na giyera laban sa mga human traffickers at illegal recruiters na bumibiktima ng ating mga kababayan.

Saludo po ako sa inyo ng lahat, mga bossing.

Mabuhay po kayo!

* * *

At para naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post TIER 1 RANKING NASIKWAT MULI NG PINAS SA 2021 TRAFFICKING IN PERSONS REPORT! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TIER 1 RANKING NASIKWAT MULI NG PINAS SA 2021 TRAFFICKING IN PERSONS REPORT! TIER 1 RANKING NASIKWAT MULI NG PINAS SA 2021 TRAFFICKING IN PERSONS REPORT! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.