Facebook

Kabataan/first time voters, hinikayat ng CBCP official na magparehistro

HINIKAYAT ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga kabataan at first time voters na magparehistro na upang makaboto sa nalalapit na pagdaraos ng national at local elections sa Mayo 9, 2022.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na siya ring vice president ng CBCP, ang pagboto ay isang karapatan at tungkulin ng bawat mamamayan.

“Pag hindi nagparehistro, sinasayang mo ang iyong pagkakataon na mag-participate sa political life ng ating bayan. You are a citizen,” aniya pa.

Iginiit ng obispo na upang maisakatuparan ang obligasyon bilang mamamayan ng bansa ay ang unang hakbang ay magpatala sa Commission on Elections (Comelec).

“Pag ganyan tayo, we will always get the leaders we deserve,” aniya pa.

Matatandaang nagpapatuloy ang voters registration sa bansa ngayon at nakatakda itong magtapos sa Setyembre 30.

Base sa pinakahuling tala ng Comelec, aabot na sa 60-milyon ang registered voters para sa 2022 elections. (ANDI GARCIA)

The post Kabataan/first time voters, hinikayat ng CBCP official na magparehistro appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kabataan/first time voters, hinikayat ng CBCP official na magparehistro Kabataan/first time voters, hinikayat ng CBCP official na magparehistro Reviewed by misfitgympal on Hulyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.