Facebook

BOBO NGA BA O SADYANG TAMAD LANG TALAGA MGA OPISYAL NG BGRY.108 ZONE 12 NG PASAY?

NAKARANAS ng di malilimutang experience ang isang motorcycle rider sa kamay ng Barangay Secretary ng Barangay 108 Zone 12 sa lungsod ng Pasay.

Nainvolved sa isang traffic incident ang motorsiklo ng nagrereklamong rider sa sakop ng hurisdiksyon ng naturang barangay dyan sa Aurora,Pasay City.

Pinamumunuan ni Barangay Captain Marcos Erena ang naturang barangay na tinutukoy natin.

Natural,kapag may mga ganitong aksidente o banggaan,unang dudulog sa nakakasakop na barangay ang mga personahe na involved sa traffic incident.

Naturalmente na hihingi ang mga ito ng “incident” report”.

Isang malaking ka-estupiduhan o katangahan ang katwiran ng barangay secretary ni Kap Erena na bawal o ipinagbabawal sa latest DILG memorandum na asistihan ang mga taong nagrereklamo kung ang mga ito ay di residente ng naturang lugar.

Di natin mawari kung anong lohika ang ginamit ng secretary ni Kap Erena upang ganoon nito ininterpret ang kautusan ng DILG.

Kung yun ang pagbabasehan ng Barangay 108 ng Pasay,paano na ang responsibilidad nito sa buong komunidad na kanilang nasasakupan.

Di lamang po sa mga residente nyo kayo may responsibilidad kundi sa lahat ng mamamayang nangangailangan ng inyong tulong being ” a public office”.

Kapag may magnanakaw pa lang naligaw sa inyong barangay na nagnakaw sa kabilang barangay,wala na kayong pakialam?

Ganoon ba ang interpretasyon nyo sa latest DILG memo Kap Erana sir base sa pahayag ng mismo mong barangay secretary?

Maliit na bagay ang naganap na traffic incident sa iyong nasasakupan Kap Erena.Nais lamang ng mga involved sa banggaan na makahingi ng mula sa inyong barangay ng ‘incident report’ na ayon sa inyong barangay secretary ay di na pinahihintulutan ng DILG.

Malaking kabulaan ito Kap Erena at batid na batid mo ito Kap.

Hindi ganoon ang renor ng memo ng DILG dahil direktang paglabag ito sa kahulugan ng public service.

Marahil,kailangang mag refresher course itong barangay secretary mo Kap Erena.

Tantamount to dereliction of duty ang nagawa ng barangay secretary mo.

And I’m sure Kap Erena na alam mo ang katapat na kaparusahan dito.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post BOBO NGA BA O SADYANG TAMAD LANG TALAGA MGA OPISYAL NG BGRY.108 ZONE 12 NG PASAY? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BOBO NGA BA O SADYANG TAMAD LANG TALAGA MGA OPISYAL NG BGRY.108 ZONE 12 NG PASAY? BOBO NGA BA O SADYANG TAMAD LANG TALAGA MGA OPISYAL NG BGRY.108 ZONE 12 NG PASAY? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.