ONE-strike policy ang umiiral sa Maynila pagdating sa mga iregularidad at wala itong sinasanto.
Ito ang maliwanag na pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno kasabay ng kanyang direktiba kay Dr. Ted Martin, direktor ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), na suspendehin at sampahan ng administratibong kaso ang nurse na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagbebenta ng 300 Sinovac vaccines sa halagang P1 million.
Kaugnay din nito ay inanunsyo ni Moreno na sinibak na sa serbisyo ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje ang traffic enforcer na napag-alaman at naberipika na sangkot sa kotong.
“Congrats to MTPB Director Dennis Viaje. Tanggal na ang enforcer. It’s a big organization…. it is not a perfect organization but we will never tolerate. Out. Because the interest of the public ang ating pangunahing layunin,” giit ni Moreno.
Nalulungkot man ang alkalde sa pagkakasibak ng dalawang empleyado ng lungsod ay sinabi naman niya na, sa bawat basket ng kamatis ay laging may isang bulok na kailangang alisin upang hindi mahawa sa pagkabulok ang natitirang iba pa na matino at dapat ding malaman ng mga kawani na walang puwang ang lungsod sa mga maanomalyang gawain.
Sinabi ni Moreno na nakipagkita na siya kay Dr. Martin para sa mabilis na aksyon kontra sa nurse na si Alexis de Guzman, upang masibak na ito sa kanyang tungkulin. Nagaalala din si Moreno na maaaring fake ang vaccines na ibinenta ni De Guzman.
Napuna ng alkalde na ang number ng digits na bumubuo sa lot number ng vaccines Manila kumpara sa nakumpiska ay kakaunti, sinabi pa ni Moreno na ang numero sa nakumpiskang kahon ng vaccine ay madaling kumupas noong ito ay mabasa.
“Kung saan nakuha ang mga bakunang binebenta, di pa alam but one thing for sure, hindi atin ‘yung mga bakuna as per report of Dr. Ed Santos,” sabi ni Moreno. Wala ring kulang o nawawala sa bilang ng mga vaccines nang i-re-checked ni Santos na siyang assistant chief ng Manila Health Department.
Labis na nadismaya si Moreno sa nasabing insidente kung saan nasangkot ang isang nurse ng isa sa mga city-run hospitals ng lungsod kung saan iginiit nito na ang pagbebenta ng anti-COVID vaccines ay pinagbabawal saan mang parte sa Maynila alinsunod sa Manila City Ordinance 8740. Mayroon itong multa na P5,000 at pagkabilanggo na hanggang anim na buwan. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit sa labas ng Maynila ginawa ang bentahan.
Nanawagan si Moreno sa publiko lalo na sa mga netizens na ipaalaam agad sa pamahalaang lungsod kapag may nalaman silang nagbebenta ng COVID vaccines sa lungsod at umasang agad itong aaksyunan. (ANDI GARCIA)
The post One-strike policy lang sa Maynila – Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: