Facebook

HEALTH SERVICES, NAKAAABOT NA SA MILYONG PINOY

Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na kabilang sa mga legasiyang iiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nang gawin ng Chief Executive na maaayos, epektibo at nakaaabot o nakararating na sa milyon-milyong Filipino ang serbisyong pangkalusugan ng gobyerno lalo ngayong nahaharap tayo sa malaking hamon ng pagbabago ng panahon.

Bilang chairman ng Senate committee on health, pinuri ni Go ang Pangulo dahil sa makahulugang pogreso na nagawa ng administrasyon kaya naging abot-kaya at “accessible” na sa milyong Filipino na may maliit na kinikita ang health services.

Ang Universal Health Care Law, na naisabatas noong 2019, ay awtomatikong pasok ang lahat ng Filipino sa National Health Insurance Program (NHIP) ng Philippine Health Insurance Corporation para maprotektahan sila sa napakalaking gastusing medikal.

“We want to eliminate the idea of health care as an entitlement and as a privilege of the few who can afford to pay. Under the law, every Filipino shall be included in the NHIP, either as a direct or indirect contributor, to reduce the risk of them being pushed into poverty due to medical debt,” ayon kay Go.

Binanggit din ni Go ang Malasakit Centers Act of 2019, na pangunahin niyang iniakda at inisponsoran sa Senado.

Sa tulong ng nasabing batas, bumilis ang pamimigay ng medical assistance sa mga mahihirap na pasyente matapos pagsamahin ang mga ahensiya ng gobyerno sa iisang bubong, tulad ng PhilHealth, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Mas lumiit na ngayon ang binabayaran sa ospital ng mga pasyente sa tulong ng mga nasabing ahensiya. Sa kasalukuyan ay may 130 Malasakit Centers na sa buong bansa at may natutulungan na itong 2 milyon na mahihirap at indigent patients.

“By establishing Malasakit Centers all over the country, we have leveled the playing field and provided our less fortunate countrymen the medical care that they deserve.”

“Hindi na kailangan lumapit at humingi ng tulong sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ang gobyerno na ang lumalapit sa tao,” ang sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa SONA.

Dagdag pa rito, ipinagmalaki rin ni Senator Go ang pagsisikap ng administration na palakasin ang local health systems sa pagbibigay ng “high-value care” sa mga rural at low-income areas sa pamamagitan ng pagsasabatas sa 13 local hospital measures na nilagdaan kamakailan ng Pangulo.

“We moved quickly to safeguard the well-being of every Filipino through preventive and responsive health and safety measures, and broad and inclusive social amelioration programs. Thanks to the support of Congress, we launched the most extensive Social Protection Program in our country’s history,” anang Pangulo sa kanyang naging talumpati.

Kaya naman sinabi ni Sen. Go na kailangang maituloy ang pagbabago na sinimulan ni Pangulong Duterte para sa kinabukasan ng ating bayan at ng susunod na henerasyon.

“Isa lang pakiusap ko sa mga susunod na administrasyon, sana ipagpatuloy niyo ang mga programa ng administrasyong ito na walang ibang hangarin kundi magbigay ng serbisyong mabilis, maayos, at maaasahan para sa bawat Pilipino,” ang apela ni Go.

The post HEALTH SERVICES, NAKAAABOT NA SA MILYONG PINOY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HEALTH SERVICES, NAKAAABOT NA SA MILYONG PINOY HEALTH SERVICES, NAKAAABOT NA SA MILYONG PINOY Reviewed by misfitgympal on Hulyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.