Magandang umaga sa PFT readers, balik uli ako sa pagsusulat, ang aking paksa ay ang ginawa liham ng PNP TPPD at survivors kay Pangulo Duterte sa kanilang hinaing sa kanilang pension. Ang TPPD at Total Permanent Physical Disability, mga PNP Retirees din sila at survivors naman ang mga asawa ng mga pulis na namatay in line of duty.
1. Sila ay tumatanggap ng maliit na benepisyo mula sa Napolcom ayon sa itinakda ng batas PD 1184 na ito ay natigil mula nuong January 2020 hanggang July 2021, 19 buwan na ang nakaraan. 2. Sila sa TPPD ang mga nabaldado ( PWD) habang nasa serbisyo pa lang, halos lahat sa kanila ay naka wheelchair. Ang maliit na tinatanggap nila sa Napolcom ay pang maintenance medicine sa kanilang karamdaman. 3.Ang mga Survivor pensioners naman ay ang mga biyuda tulad ng mga biyuda ng SAF 44. May mga biyuda sa kanila na maliliit pa ang mga anak at yung maliit na benepisyo na nag mumula sa Napolcom ang makatulong sa kanilang pang araw araw na pangangakailangan. 4. Ayon sa Commission on Audit (COA) at Dept of Budget Management ay double compensation daw ang kanilang tinatanggap na benepisyo mula sa Napolcom sa kadalinahang may tinatanggap sila regular pension sa PNP kung saan nag serbisyo sila ng maraming taon . Ito ay nakasandig sa mga batas na RA 6975 at RA 8551 na pareho ng gumagana at hindi pa na amyendahan o mapalitan ng bagong batas. 5. Sa Napolcom na additional benefits ng Survivor ay 5 taon lamang at habang buhay sa TPPD na nakasaad sa PD 1184 . Ang PNP regular pension ay pareho pang habang buhay sa TPPD at Survivor pensioner na hindi ilipat pag sila ay pumanaw na ayon sa RA 8551 at RA 6975. 6. Ang DOJ ay maglabas ng Legal Opinion No. 11 nuong March 29, 2021 na nagsasabi Double Compensation. Nakasaad din sa Legal Opinion na tanging Napolcom lamang ang dapat magbigay ng pension sa TPPD at Survivors at yung Napolcom benefits ay tuluyan ng aalisin. 7. May sinasandigang batas ang kanilang tinatanggap na kapirasong benepisyo sa Napolcom ang PD 1184 , 1977 ang hindi pa na amyendahan o napalitan . Nakasaad naman sa RA 6975 at RA 8551 na sila mga TPPD at Survivor Pensioners ay dapat sa PNP ang mangasiwa sa kanilang pension. 8. Kailan pa po naging mas mataas ang isang Legal Opinion ng DOJ sa gumaganang batas? Yan ang kanilang katanungan. 9. Nagfile sila ng Motion for reconsideration nuong Mayo 2021 sa DOJ bilang direktang apektado ng nasabing DOJ bilang Opinion, sinagot sila ng DOJ noong June 28, 2021 na hindi resolbahin ang kanilang MR dahil Napolcom daw ay nag request ng Legal Opinion . Hanggang ngayon ay hindi pa nag file ng Motion for reconsideration ang Napolcom. 10. Dahil sa nasabing DOJ Opinion tuluyan ng nahinto ang TPPD at Survivor benefits na ibibigay ng Napolcom sa kanila simula January 2020 at sa survivors simula July 2021. Ayon sa kanila ang kanila pension sa PNP, July 23 ,2021 na ay hindi pa nila natangap sa kadalinahang nailipat nga sa Napolcom at wala pa pondo naibigay daw ang DBM. 11. Eto ang kanilang panawagan kay butihing Pangulo Duterte: “Mahal na Pangulo Duterte , nuong ikaw ng maging Pangulo nuong 2016 , nangako ka sa amin na Hindi mo pababayaan ang kapakanan ng mga pulis at sundalo na nag serbisyo sa ating bayan at ibinuhos ang halos buong buhay sa pag serbisyo sa ating bansa at ibinuhos ang halos buong buhay sa pagseserbisyo sa ating pamahalaan at bayan.” 12. Bakit po hanggang ngayon, di pa rin namin natatangap ang pension dapat ibigay ng PNP ngunit dahil sa DOJ Opinion inilipat nga sa Napolcom na hindi naman ito nakahanda upang magbigay ng pension namin sa nakatakdang panahon? 13. Tulad ngayon dapat July 16 natangap na namin pero July 23 na wala pa . Ipinahinto na nga nila ang maliit na benepisyo dapat ibigay nila sa amin ng naayon naman sa batas at hindi naman talaga double compensation , wala pa rin hanggang ngayon natatangap na pension na dapat ang PNP ang magbibigay pero sa kadalinahang nailipat nga sa kanila at hindi bpa sila handa hanggang ngayon ay wala pa. 14. Paano na kami, Mahal na Pangulo mabuhay nito na walang tulong na natatangap sa gobyerno? 15. Wala namang inaasahang ibang paraan para makapaghanap ng ikakabuhay dahil sa natamo naming kapansanan at namatay na nga ang iba naming kasama sa paglilingkod sa bands at sa ating mga Kabayan at ngayon nasa gitna ng Pandemic. 16. Mahal na Pangulo, tulungan mo po kami ng mga maliit, tumatanda na at naghihirap na mga TPPD at Survivors ng PNP.” Lubos na gumagalang, PNP TPPD at Survivors. Note: Open letter po ito ng PNP TPPD at Survivors kay butihing Pangulo Duterte.
PSALM 19: 1
How clearly the sky reveals God’s glory! How plainly it shows what He has done!
The post Hinaing ng mga PNP TPPD at survivors appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: