Facebook

IM Pilipinas hinamon si Mayor Isko tumakbong presidente

Hinamon ng grupong Ikaw Muna (IM), Pilipinas na kumandidato sa pagka-pangulo si Manila Mayor Isko Moreno sa 2022 elections.

Isinagawa ang paglulunsad ng grupo nitong Hulyo 2 sa University Hotel ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

Isang nationwide movement ang IM Pilipinas ng mga sectoral group, civil society organization, religious group, academe, fraternity at mga dating local official.

Inilahad ng grupo ang kanilang mga dahilan kung bakit sa tingin nila si Moreno ang karapat-dapat na maging susunod na pangulo ng Pilipinas

Pinangunahan ang nasabing pagtitipon ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA) general manager at IM Pilipinas lead covenor Tim Orbos.

Ipinahayag ni Orbos, dating high-rangking official sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, na napakabigat ng babalikatin nang susunod na Pangulo ng bansa dahil sa mapanirang bunga ng pandemya sa buhay ng bawat Pilipino.

Aniya, mabilis na rin nagbago ang mundo dala ng pagsulong ng teknolohiya at wala ng panahon ang Pilipinas para sa mga mapanghating pulitika. Kaya kailangan iisang bangka lang ang sumasagwan sa iisang direksyon, sa tulong ng isang pinuno na may direksyon, tulad ni Mayor Isko.

Ayon na rin kay Jun Zuñiga, dating Sec.-Gen ng Liga ng Barangay ng Pilipinas (LNB), na nagpahayag din sila ng pagsuporta kay Moreno kung sakaling tumakbo itong pangulo sa 2022 election.

Naniniwala silang mayroon dignidad at kakayahan si Isko na pamunuan ang bansang Pilipinas.

Si Isko ang taong walang pinipiling suportahang barangay, maging kalaban man niya o kakampi sa politika. At kung nagkaroon ng problema ang isang brgy. may due process na pinaiiral.

Hinahamon ng grupong IM Pilipinas si Isko na ibalik ang sigla ng bansa at buhay ang tawag na ‘Pearl of the Orient Sea’ upang maging kauna-unahan sa Asya ang Pilipinas.

Mariing sinabi naman ni Philip Piccio, pinuno ng Parents Enabling Parents (PEP) Coalition at tubong Antique, na nagtapos si Isko sa ‘Univesity of Life’, ipinanganak sa kahirapan, natikman ang hirap ng buhay, kaya hinahamon nila si Isko na dalin ang mga Pilipino sa magandang kinabukasan.

“Isang tunay na tao si Isko na marunong tumanaw sa pinanggalingan dahil alam niya ang hirap ng buhay,” wika ni Jun Magno, Pangulo ng Stop & Go Coalition.

Sa sektor naman ng kabataan, sinabi ni Janis Angela Illaga, Student Council Pres. ng PLM College of Law, na si Isko ang pangunahing lider na tinatakbuhan ng mga estudyante at mabilis na tumutungon sa kanilang mga pangangailangan at mayroon itong modernong pamumuno.

Kaya ang sigaw ng grupong IM Pilipinas, ibangon ang dignidad ng bansa. Gawin sa buong Pilipinas ang ginawa ni Isko sa Maynila at ibalik ang dangal nito.

The post IM Pilipinas hinamon si Mayor Isko tumakbong presidente appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
IM Pilipinas hinamon si Mayor Isko tumakbong presidente IM Pilipinas hinamon si Mayor Isko tumakbong presidente Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.