Facebook

AFP muling nanawagan sa mga biktima ng karahasan ng CPP-NPA

MULING nanawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nakrarananas ng karahasan dulot ng teroristang grupo na Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na iulat ang kanilang mga dinanas upang sila ay maprotektahan at pagbayarin ang komunistang-teroristang samahan na sa ngayon ay unti-unti nang nababawasan ang bilang kaya sa mga pangingikil na lamang idinadaan ang kanilang sinasabing pakikibaka partikular na sa mga lugar sa Mindanao.

Sinabi ni AFP Deputy Chief of Staff for Operations, J3 Major General Edgardo De Leon na upang kanilang mapatigil ang mga pag-atake ng mga CPP-NPA sa mga sibilyan at iba pang sektor, kailangan nila ang pakikipag-tulungan ng lahat ng mga Filipino lalo na ang mga nabiktima ng teroristang grupo.

“Panawagan ko sa mga naging biktima, magtulong-tulong po tayo. Kinakailangan namin kayo para isulong ang pagpafile ng kaso para matigil na itong ginagawang pag-atake ng mga NPA sa mga civilian, pati yung pagpatay sa mga taong walang kalaban-laban,” ang paliwanang ni De Leon, na idinagdag pa na dapat ang mga biktima ay lumapit din at mag-ulat sa Commission on Human Rights (CHR).

Naipahayag na rin naman ni CHR Chairperson Jose Luis Martin Gascon na kailangang panagutan ng CPP-NPA ang lahat ng krimen at pag-atake nitong mga nagawa. Sinabi niya na ang ginagawang pagpapasabog ng anti-personnel mine ay dapat talagang panagutan ng NPA lalo na sa mga pagpatay sa mga civilian, kaya dapat lamang na isurender ng NPA ang mga gumawa ng karumaldumal na krimen na ito.

At kapag nabuo natin ang mga complaints laban sa mga NPA dapat ang sabi ni De Leon ha, “the government of Netherlands should understand the humanitarian law violations committed by the person that they are now giving asylum to, to be answerable on the humanitarian crimes that they have continuously committed particularly the instructions to continuously produce, stockpile and use anti-personnel mines that are destroying the human body, destroying the dignity of the people, not only combatants, and worse, including noncombatants,”.

Di naman natin nakakalimutan na ipinangako rin ng CHR na iimbestigahan nito ang 1,506 na naitalang mga paglabag sa International Humanitarian Laws (IHL) ng CPP-NPA-NDF sa loob lamang ng 2010 hanggang 2020, base na rin sa ulat ng AFP Center for the Law on Armed Conflict (AFPCLOAC).

Tama naman si De Leon dahil di naman napakahirap intindihin ang IHL dahil tanging layunin lamang nito ay protektahan ang mga sibilyan sa anumang karahasan lalo na ang pagpatay at anumang uring ng mga pagpapahirap.

Ang mga pinuno ng CPP-NPA gaya ni Jose Maria “Joma” Sison at Luis Jalandoni, aniya ay damay din sa ilalim palang ng Republic Act 9851 o’ “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity”, bilang mga ‘principal’ o mga lider ng mga teroristang gumawa ng karahasan.

Dahil isinasaad ng Republic Act 9851 at sa ilalim ng additional protocol 2 ng Geneva Convention, nakasulat po doon na yung mga pinuno ng mga non-state armed group ay principal to the crime. Pangunahing dapat ireklamo sa mga ginagawa ng kanilang mga nakababang mga inuutusan, wala po silang kaligtasan dito. Kaya makibaka na rin tayo lalo na kayong mga nabiktima ng CPP-NPA-NDF nang matapos na ang matagal na problemang ito ng ating bayan.

The post AFP muling nanawagan sa mga biktima ng karahasan ng CPP-NPA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
AFP muling nanawagan sa mga biktima ng karahasan ng CPP-NPA AFP muling nanawagan sa mga biktima ng karahasan ng CPP-NPA Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.