Jessy gagayahin si Marian sa pagiging hands-on mom ‘pag nagkaanak na; Rabiya pipirma na rin ng kontrata sa Kapuso
Ni JOVI LLOZA
SA latest vlog ni Luis Manzano, ipinahayag nito na never niyang pakikialaman si Jessy Mendiola kung pagtutok sa kanilang anak ang pag-uusapan.
Kahit ang pagso-showbiz nito at pagiging vlogger eh never namang nakialam si Luis at ang esmi pa din nga ang masusunod kung anong mga hakbang ang gagawin nito kapag nagkaaanak na sila.
Sa tsika naman ni Jessy sa isang vlog ay gagayahin daw nito si Marian Rivera sa pagiging hands on sa pagtutok sa anak at asawa.
Patotoo pa ni Jessy na kapag may anak na sila ni Howhow, tawag nito sa mister na si Luis, gusto nito na siya ang magluluto ng food ng anak at kalaunan ay siya ang maghahatid at susunodo rito sa school.
Bilang asawa naman, ihahanda nito ang mga gagamitin ni Luis. As in, kakaririn nga raw nito ang pagiging nanay at esmi.
***
KUNG dati ay palaisipan pa kung saang network tutungo si Rabiya Mateo, ang ating Miss Universe Phils. 2020, hindi nito itinago ang pagka-atat na pasukin na rin ang showbiz.
Nung nasa Amerika pa nga ito ay may offer sa kanya to do an International film na ang storyline niya ang kanyang ipo-portray.
May post pa nga si Rabiya ng pics nila ng isang International film director.
Malapit na rin matapos ang 20 days quarantine nito at pagkatapos ay may pagpupulong na between Rabiya at Kapuso execs.
Balita nga na sa Kapuso na pipirma ng kontrata si Rabiya at nakakasa na nga rin ang serye na gagawin nito sa bakuran ng GMA-7.
Bonggacious! Well, well,well…’Yun na!
The post Jessy gagayahin si Marian sa pagiging hands-on mom ‘pag nagkaanak na; Rabiya pipirma na rin ng kontrata sa Kapuso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: