Kylie maluwag na tinanggap ang hiwalayan kay Aljur; Janella todo-kayod para sa binyag at 1st b-day ng anak
Ni WALLY PERALTA
SABI nga lahat ay kayang tiisin ng isang ina para sa kanyang mga anak. Ganun din ang nakikitang scenario sa hiwalayang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, sa gitna ng mga tsikang may third party involved sa hiwalayan nila ay hindi na lang nagsalita pa si Jennica sa tunay na dahilan ng hiwalayan blues nila ng mister at ito ay alang-alang sa mga anak niya.
Ngayon naman ay sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ng tuluyan na ring nagkanya-kanya ng landas pagkatapos na tangkain nilang mabuo muli ang pamilya nila na unang napabalitang napipintong hiwalayan ng dalawa late last year.
Sa paghihiwalay na ito nina Kylie at Aljur, tila kalmante si Kylie hindi tulad ng unang attempt nilang maghiwalay. Na para bang bukal sa loob nilang dalawa ang paghihiwalay at mutual decision ang nabuo.
Ayon naman sa kampo ni Kylie, kaya pinanatili nito ang ‘pananahimik’ dahil sa iniisip pa rin niya ang kapakanan ng mga anak at sa gitna nito ay nais ng aktres na maging maayos ang co-parenting nilang ng mister sa mga anak ngayong hiwalay na sila.
“All we need right now is respect, first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family, to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way.
“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake. We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us,” saad ni Kylie.
***
NEED na talaga ni Janella Salvador na mag-work. Matagal tagal na rin naman kasing nabakante siya sa trabaho simula nang magka-lockdown ang bansa at kamakailan lang siya muling nag-taping para sa bago niyang show sa Kapamilya Network, ang digital anthology series na “Click, Like, Share.”
Makakasama niya sina Maymay Entrata, Tony Labrusca at Jerome Ponce.
Sa pagbabalik niya ng Pilipinas, ano naman kaya ang pinagkaabalahan ni Janella habang wala pang offer na dumarating sa kanya?
“Sa anak ko. Tutok na tutok kasi ako sa lahat ng milestones niya. Sobrang nakatutok ako. Gusto kong ma-capture lahat, gusto ko ma-witness lahat every time he learns something new. Like now, he just learned how to say mama. I am so happy na na-witness ko ‘yon,” ani Janelle.
“Ibang iba ‘yung naging life ko these past few months compared to when I didn’t have Jude yet. Dati lagi akong nagwo-work, I was busy. Mind ko talaga ay focused on myself, kung ano ‘yung magagawa ko for myself, to improve myself. Ngayon it’s all about Jude, mostly for him. ‘Yung sense of self sobrang nabawasan. I had to accept. It wasn’t hard for me actually parang magiging selfless ka na lang instantly when you become a mom,” dagdag na say pa ni Janelle.
Tsikang kaya need na mag-work ni Janella ay dahil paghahandaan niya nang husto ang first birthday ng anak na si Jude na isasabay na rin ang binyagan ng bata. Ilan sa pangalan ng showbiz personalities na nasa listahan na tatayong mga ninang at ninong ng first child nina Janella at Markus Paterson ay sina Liza Soberano, Kyle Echarri at Inigo Pascual.
The post Kylie maluwag na tinanggap ang hiwalayan kay Aljur; Janella todo-kayod para sa binyag at 1st b-day ng anak appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: