Facebook

Kadete ng PMMA natagpuang walang malay, ‘DOA’ sa ospital

NATAGPUANG walang malay sa banyo sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) ang isang kadete sa San Narciso, Zambales, Martes ng umaga.

Sa report, natagpuan si 4CL Jonash Bondoc, 19 anyos, ng Butuan City sa banyo ng Alpha Company Barracks. Agad itong dinala sa San Marcelino District Hospital pero dead on arrival.

Ayon kay Police Colonel Romano Cardino, Zambales PNP director, ipinaalam na nila sa pamilya ang pangyayari. Hinihintay nalang ang opisyal na resulta ng otopsiya para malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Siniguro naman ng PMMA ang full cooperation nito sa PNP sa isinasagawang imbestigasyon para malaman ang katotohanan sa pagkamatay ni Bondoc.

Samantala, naghain na ng courtesy resignation ang commandant, battalion officer at company officer ng kadete para bigyang daan ang mas mabilis na imbestigasyon.

The post Kadete ng PMMA natagpuang walang malay, ‘DOA’ sa ospital appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kadete ng PMMA natagpuang walang malay, ‘DOA’ sa ospital Kadete ng PMMA natagpuang walang malay, ‘DOA’ sa ospital Reviewed by misfitgympal on Hulyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.