Facebook

KARAHASAN NG NPA MATATAPOS SA 2022

PANATAG ang pamahalaan sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na matatapos nito ang paghahari-harian ng armadong grupo na New People’s Army (NPA) sa susunod na taon, na pagtatapos din ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NTF-ELCAC Vice Chairman, Secretary Hermogenes Esperon Jr. na panauhin sa Kapihan sa Ilocos nitong Martes (July 27,2021) ang utos ni Pangulong Duterte na na tapusin na ang panggugulo ng teroristang-komunista ay makakamit ng Task Force base na rin sa dami ng “pagod” na mandirigmang NPA na nagsisisuko na.

“Self-imposed namin iyan at si Pangulo, dahil siya ang Chairman ng NTF-ELCAC. He wants to finish the NPA by July 2022. Sa estimate ko lang from the current strength of about 3,500 palagay ko baba na iyan. Mabilis ang pagbaba niyan dahil ang dami nang nagsusurrender. So, kung ito’y bababa ng halimbawa ng 2,000 nationwide, magiging law and order na lang ito. Ibig sabihin primarily pulis na lang ang hahawak sa kanila at local goverment,” ang pahayag ni Esperon.

Dagdag pa niya, ang NTF-ELCAC ay tumatalima sa panahong iniatas ni Pangulong Duterte para tapusin ang kanilang misyon, subalit alam nilang mayroon pa ring mga taga-suporta at mga isyu na dapat ay matugunan ng susunod na administrasyon.

“Paspasan ito marami nang mabubuwag, madami na ang magsusurrender,” and sabi ni Esperon na siya ring National Security Adviser.

Ito rin ang kanyang sinabi nang maging panauhin siya sa programang Laban Para sa Bayan ng istasyong SMNI, na gaya ng pananaw ng Pangulong Duterte, ang insureksiyon ay masosulusyunan ng “whole-of-nation approach” o sama-samang pagkilos di lamang ng militar.

“Ang sabi niya hindi masosolve iyan ng military lang kungdi kailangan talaga natin ng the whole nation approach. Kaya tuwang-tuwa kami dahil he was true all the way as Chairman of the National Task Force ELCAC. Sinabi niya kung ano yung kanyang framework to solve this insurgency,” paliwanag ni Esperon na dumalo rin sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo noong Lunes.

Sa SONA, sinabi ni Pangulong Duterte na ang kapayapaan ay di lamang alalahanin ng militar, kaya ipinihit niya ang tradisyunal na pagmamalasakit sa seguridad ng bansa di lamang sa militar kundi sa lahat ng Filipino at nilikha ang NTF-ELCAC. Naniniwala rin ang Pangulo na malaki na ang nagawa ng kanyang administrasyon sa pagsugpo ng ugat at tulungngan ang ating mga kababayan sa kanayunan na sinamantala ng komunistang-terorista sa mahabang panahon.

“In our continuing efforts to build safe and conflict-resilient barangays we have worked towards the sustainable rehabilitation and development of communities where the communist used to operate. Through the NTF-ELCAC, we invested in farm-to-market roads, school buildings, water and sanitation, health station and livelihood,” ang sabi ng Pangulo sa kanyang SONA.

Ito ang pinagtuunan ng NTF-ELCAC at ginawang pangunahing programa ang Barangay Development Program (BDP) na siyang magbibigay kaunlaran sa mga lugar na dati nang pineste ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democractic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa BDP, ang bawat barangay na naitaboy na ang mga komunistang-terorista ay nakatatanggap ng P20 milyong pisong pondo para sa pagpapagawa ng isang kilometrong farm-to-market road na nagkakahalagang P12 milyon, P3 milyon para sa mga silid paaralan, P2 milyon para sa malinis na tubig at sanitasyon, P1.5 milyon para sa health station at P1.5 milyon para sa livelihood.

Kinalulungkot naman din ni Esperon na sa kabila nito, ay binabatikos pa ng ilan sa ating mga mambabatas ang P16.5 bilyong pondo na inilaan sa BDP para sa iba’t ibang rehiyon sa bansa at bakit napakalaki ang napunta sa Mindanao kabilang ang Davao na lugar ng pangulo.

“Medyo magastos daw sabi ng ilang kongresita doon sa Barangay Development Program para sa NTF-ELCAC daw. Ano ba yung ibibigay mo yung P20 milyon kada barangay na apektado ng sentro ng insureksiyon na 882 barangays para sa sa taon na 2021 at sa second batch na 2,380,” ang paliwanag ni Esperon.

Malaki ang naibigay sa Mindanao aniya, dahil ang mga barangay doon ang kinulapul ng mga CPP-NPA-NDF na siya ring naitaboy, kaya pinaglagakan ng pondo para paunlarin ang malalayong mga barangay sa lugar.

“Karamihan ng mga projects ay nakaconcentrate ngayon doon sa Mindanao, yung 822 barangays. But look where we are now. Look kung saan magiging concentration ng BDP in the next phase, Region 5 with 542 (barangays), Region 6 with 193, Region 8, Samar and Leyte with 319,” paliwanag pa ni Esperon.

The post KARAHASAN NG NPA MATATAPOS SA 2022 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KARAHASAN NG NPA MATATAPOS SA 2022 KARAHASAN NG NPA MATATAPOS SA 2022 Reviewed by misfitgympal on Hulyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.