Facebook

Operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro namayagpag

PATULOY na inirereklamo ng mga concerned citizens ang nagpapatuloy na pamamayagpag ng operasyon ng jueteng na nagkukubli sa ilalim ng Perayahan ng Bayan (PnB) na ang numero mula 1-40 na binobola sa pamamagitan ng holen na dalawa ang resulta sa isang araw, isa sa umaga at isa sa gabi sa Oriental Mindoro. Hiniling ng mga mindoreño kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor at sa Police Regional Office MIMAROPA Director PBGen Nelson Bondoc ang pagtutok sa nasabing suliranin sa lalawigan. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, nagpapatuloy ang pamamayagpag ng jueteng sa naturang probinsya na pino-protektahan ng matataas na opisyal sa Oriental Mindoro. Ibinunyag din ng source ang dumadaloy na payola na P4-Milyon kada buwan sa isang mataas na opisyal at P150k hanggang P600K bilang weekly payola sa ilang mataas na opisyal ng kapulisan at NBI at P300K kada buwan naman sa iilang tiwaling alkalde. Sinabi ng source na ibinabandera pa ang mga resulta ng jueteng sa mga palengke at national highway na isa lamang umano ang tumatama kundi ang bangka at mga tiwaling opisyal na kumakanlong sa iligal na numbers game. Idinagdag din ng source na may mga ilang mayor at vice mayor na nangunguna at nagsisibling “bangka” sa jueteng sa isang bayan sa nasabing lalawigan.

Nakapagtataka lang na ang dating bise gobernador na ngayon ay Gobernador Bonz Dolor na tumutuligsa noon sa jueteng ang biglang nanahimik?

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro namayagpag appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro namayagpag Operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro namayagpag Reviewed by misfitgympal on Hulyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.