Facebook

Deputy speaker nanghawa sa SONA?

MAYROON na bang isinagawang aksiyon ang INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) o ng pangasiwaan sa KONGRESO hinggil sa naging pagpupumilit na dumalo sa huling STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE nitong nakaraang Lunes si DEPUTY SPEAKER HENRY OAMINAL. gayong gabi ng Linggo ay positibo ang resulta ng COVID TEST nito?

Ang ipinaiiral na HEALTH PROTOCOL ng gobyerno ay tuwirang nilabag ni MISAMIS OCCIDENTAL 2nd DISTRICT REPRESENTATIVE OAMINAL.., dahil natanggap nito ang resulta ng kaniyang COVID TEST ay gabi na ng Linggo at sa halip na mag-isolate muna ito ng 5 araw bago magpa-COVID TEST na siyang panuntunan ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ay hinde nito ginawa.

Ang naturang DEPUTY SPEAKER dahil sa wala naman umano siyang ibang nararamdaman at hinde mapaniwalaan ang naging resulta sa test niya ay nakaremedyo itong makapagpa-test alas-12:10 ng madaling-araw ng Lunes at nakuha nito ang resulta alas-5:15 ng umaga na negatibo sa COVID-19 ang resulta ng test.

Presto, nagtungo si OAMINAL sa KONGRESO at sa gamit na antigen test ng HOUSE OF REPRESENTATIVES ay negatibo rin ang resulta sa test ng una.., pero mali pa rin ang ginawa nito dahil labag ito sa panuntunan ng DOH at ang naging pakikisalamuha nito sa mga kapuwa niya mambabatas sa loob ng KONGRESO ay malaki ang posibilidad na nakapanghawa o nailagay nito sa peligrong sitwasyon sa lahat niyang nakasalamuha.

Si OAMINAL ay dating nahawaan ng coronavirus noong Mayo at fully vaccinated naman na ito ngayon.., pero, ayon sa mga medical expert ay maaari pa ring magka-COVID-19 ang mga fully vaccinated lalong-lalo na at nasa bansa na rin natin ang kinatatakutang DELTA VARIANT na mas malakas makapanghawa kumpara sa COVID-19.

Ang SONA ay hinde na rin inantay na masaksihan ang huling pananalumpati ni PRES. DUTERTE dahil umuwi na lang din si OAMINAL at sa VIRTUAL na lamang ito nagmonitor.., pero, yung oras na namalagi sa KONGRESO etong si OAMINAL ay maaaring may epektong idinulot nito sa pagpakalat ng virus.., yan ay kung ibabase natin sa panuntunan ng DOH, na ang mga asymptomatic ay kinakailangang magkulong o mag-isolate sa loob ng 10 araw at maaaring ma-test uli sa ika-5 araw ng isolation.

Mag-negatibo man ang resulta ay kailangan pa ring kompletuhin ang 10-araw na isolation bago.makalaya sa self quarantine.., pero kung positibo uli ang resulta ay panibagong 10-araw pa ang isolation.

Gayunman, hanggang kahapon ay tahimik sa isyung ito at wala man lang inilalabas na impormasyon ang pangasiwaan ng KONGRESO at higit na dapat nangalampag ay si HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III para sa preventive measures.

PAGING SEC. DUQUE.., napasiyasat mo na ba kung sino-sino mga nakasalamuha ni DEPUTY SPEAKER OAMINAL para ang mga iyon ang mag-self quarantine para mapigilan ang pagkalat ng virus? Bakit wala kayong ibinabalita na ginawa ninyong aksiyon?

Hinde marapat na ipagwalang-bahala ang ganitong isyu dahil nasa pandemya tayo ngayon at dagdag pa ang iba’t ibang variant ng mga virus.., kaya dapat lamang malaman ng sambayanan kung may nagawa na ba kayong pagkilos SEC. DUQUE para maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan mula sa mga nagsidalo sa SONA na nakasalamuha ni DEPUTY SPEAKER OAMINAL!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Deputy speaker nanghawa sa SONA? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Deputy speaker nanghawa sa SONA? Deputy speaker nanghawa sa SONA? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.