TAMA naman si dating speaker Alan Peter Caye-tano sa pahayag nitong ang Pilipinas ay hindi isang ‘corrupt-free na bansa.
Pero kahit na may mga alingasngas ng kurapsiyon sa pamahalaan, sinabi ng Mambabatas mula Taguig City na ang mahalaga ang sinisikap ng pamahalaan na ma-eradicate ang naturang maituturing nang kanser sa ating lipunan. At kung ang mga kritiko ay palaging ginagawang pambala ito upang pabagsakin lang ang nasa poder ay marapat lang na mayroon silang matibay na pinanghahawakang ebidensiya at hindi iyong hearsay lamang upang makaepal lang at mapag-usapan. Oo nga naman ‘sambayan at aydul Pacman.
Kanyang inihalimbawa ang mga ginawa nilang im-bestigasyon sa Kamara partikular noong siya pa ang Speaker of the House, lahat ng mga imbestigasyon ‘in aid of legislation’ ay siksik sa ebidensya lalo na sa mga dambuhalang usapin at isyu kontra mga higanteng kumpanya at oligarkiya pabor para sa kapakanan ng bayan.
Si Cong. Alan Peter Cayetano na siyang running mate ni incumbent President Rodrigo Duterte ay nanawagan din ng kabayanihan ng pagkakaisa ng lahat ng Pilipino na lalo sa panahon ngayon ng krisis di lang sa pandemya kundi pati natural calamities tulad ng muling banta ng bulkang Taal habang ang pamumulitika ay may nakalaang panahon para diyan. BAYANIHAN muna.. bayan. Yan si Cong. ALAN-ang tunay na STATESMAN! FYI:Si Cong APC na naging pinuno ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee(Phisgoc)noong siya pa ang Speaker ng HoR ang pangunahing dahilan ng pagiging overall champion ng Pilipinas noong 30th SEAGames Philippines 2019, op kors katuwang ang PSC , POC,Sen.Bong Go -head ng Committee on Sports at PRRD.’WON AS ONE!’
BAGONG MANDATO NI
GRAND KNIGHT JOEY LAT
MULING nahalal bilang Grand Knight ng Knights of Columbus -Manila Council 1000 si Luzindo Jose’Joey’Lat sa idinaos na halalan kamakailan para sa kanyang ikatlong sunod na termino.
Si Lat na tanyag sa kanyang pagiging aktibo bilang civic leader bukod sa pagiging sportsman ay nakamit ang bagong mandato sa kanyang ‘unopposed solid votes’. Unanimously voted din sina Erwin Ebia (Deputy Grand Knight). Rodolfo Janeo, Jr. (Chancellor), Enrique Serrano PGK ( Recorder),
Lorenzo Ballete III(Treasurer),Atty Jonathan Dirain PGK(Advocate),Garett Beltran( Warden),Winston Quioyo( Inside Guard),Nathaniel Sanchez (Outside Guard), Gilbert Turla( Outside Guard ) at Engr. Gary Lo Ang (Trustee-3 years). Si PGK Cesar Galang ang tumayong Chairman of the Comelec. Magsisimula ang panibagong mandato ni Lat sa Columbian year Hulyo 1, 2021 hanggang Hunyo 30 , 2022. Nagpasalamat naman si Lat sa lahat ng miyembro ng KCMC sa lubos na tiwalang ipinagkaloob sa kanyang liderato at binigyang -diin nito na lalo pang paiigtingin ang kanyang paglilingkod sa prestihiyosong samahan ‘ for a cause.Sa napipintong pagluwag ng IATF sa pagpapatupad ng health protocol sa NCR Plus ay optimistiko itong muling sisigla ang mga sports facilities ng K of C na nasa Intramuros sa Maynila. Belated birthday greetings kay Sis Lingling Adora ng M-24 Windsor, Canada at Happy Canada Day kay M-24 Builders of Guardians Canada , USA, Philippines Founder/Organizer Doc Chito Collantes M24B1024 Toronto.Ngayon ang Indoctrination para sa mga bagong miyembro ng Kapatiran at tatayong host ng kaganapan si Bro Randy Mana-ay Meses sa kanyang balwarte sa Caloocan katuwang sina Bros .Arvin David, Ariel Manas, Robert Kidlat, Sis Eutchelle Rose Canete at iba pang bros and sisters. Mabuhay M-24!
The post KOREK KA DIYAN CONG. ALAN! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: