Facebook

La Union politicians nanganganib ang kanilang buhay?

TILA nagbabadya ng karahasan sa lalawigan ng LA UNION habang papalapit ang NATIONAL ELECTON 2022 dahil sa impormasyong hawak ng ANTI-CRIME GROUP CRUSADERS FOR PEACE na may grupo ng mga “GUN-FOR-HIRE” na binubuo ng mga TARANTADONG PULIS at MILITAR na inupahan para paslangin ang ilang POLITICAL LEADERS sa naturang probinsiya.

Bunsod nito ay doble-pag-iingat ngayon ang mga POLITICIAN dahil sa pagkakaaresto ng isang kawani ng BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY (BJMP) kamakailan ay nadiskubreng sangkot ito sa tangkang pamamaslang sa EXECUTIVE ASSISTANT ni LA UNION GOVERNOR FRANCISCO EMMANUEL ORTEGA III dagdag pa rito ang tensiyon sa pagkakadiskobre sa umano’y planong assassination sa CONGRESSWOMAN at 2 TOWN MAYORS ng naturang lalawigan.

Batay sa isinumiteng ulat ng polisiya sa LA UNION POLICE PROVINCIAL OFFICE, SAN FERNANDO noong July 25, ang EXECUTIVE ASSISTANT ni GOV. ORTEGA na si JUSTINO CASUGA ay nagsampa ng kasong ATTEMPTED MURDER laban kay JAIL OFFICER 1JUANITO ESTREBOR II na JAIL GUARD sa QUEZON CITY JAIL.., dahil natiyempuhan itong paikot-ikot sa lugar ng pamamahay ni CASUGA.

Lumalabas na si CASUGA ay nagreport na nanganganib ang kaniyang buhay mula sa hinde nakikilalang lalakeng aali-aligid sa lugar ng una kaya humiling ito ng pansamantalang security mula sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP). Nitong July 25 alas-4 ng hapon, si CASUGA na galing sa personal meeting at pababa na sa kaniyang sasakyan sa harap ng kaniyang bahay ay nilapitan umano siya ng sspek na si JO1 ESTREBOR, subalit agad ding umurong nang makita nito ang 2 PNP SECURITY AIDES. Gayunman agad itong kinompronta at inaresto ng mga bantay ni CASUGA.

Nitong July 26 ay sumuko sa CAMP CRAME ang natanggal sa serbisyong si POLICE COLONEL WILSON MAGPALI makaraang ipag-utos ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa PNP ILOCOS REGION na hulihin ang lider ng MAGPALI GANG.., dahil ang mga ito umano ang inuupahan ng mga tiwaling politiko para ipatumba ang kanilang mga kalabang politiko sa 2022 elections.

Ang naging pag-uutos ni PRES. DUTERTE sa PNP ILOCOS REGION ay bilang aksiyon sa apela ng mamamayan sa LA UNION na nagsiwalat sa umano’y ASSASSINATION PLOT sa isang LAWMAKER at 2 MAYOR. Nahalungkat ng LA UNION POLICE ang “PLOT” makaraang mapag-aaresto sa isang insidente ng pamamaslang ang ilang kasapi ng MAGPALI ASSASSINATION SQUAD.

Nakumpiska ng mga police mula sa mga suspek ang gamit nilang mga sasakyan, ilang natataas na kalibre ng mga baril, mga bala, bullet vests, two-way radios at iba pang mga kagamitan.., na ang grupo ng mga naaresto ay may mga safe house sa 3 bayan ng LA UNION na nirerentahan umano ni MAGPALI.

Ang matinding nakalap ng POLICE INTELLIGENCE ay tumanggap umano ng P2 milyon si MAGPALI bilang pang-unang bayad para trabahuin ang ASSASSINATION PLOT.

Sinisiyasat na rin ngayon ng mga awtoridad kung ang grupo rin ba ni MAGPALI ang responsable sa mga pamamaslang noong 2018 kina BALAOAN VICE MAYOR ALFRED CONCEPCION noong November 14; SUDIPEN MAYOR ALEXANDER BUQUING noong October 1; at kay dating 2nd DISTRICT REP. FRANNY ERIGUEL noong May 12.., na magpahanggang ngayon ay nananatiling hinde pa nareresolba.

Ngayon naman, base sa INTELLIGENCE REPORT ay ang balo ni FRANNY ERIGUEL na si REP. SANDRA ERIGUEL ang pangunahing target ng MAGPALI GANG.

Si SANDRA ERIGUEL at 2 iba pa na pawang kaalyado ni GOV. ORTEGA ang target na mapaslang umano ng grupo ng nasibak sa serbisyong POLICE COLONEL na si MAGPALI.

Ayon sa CRUSADERS FOR PEACE, ang pagkakatuklas sa planong pamamaslang at ang huling tangkang pamamaslang sa EXECUTIVE ASSISTANT ni GOV. ORTEGA ay patunay lamang umano na ang GUN-FOR-HIRE GROUP ay nagbabalak na muling matulad ang 2018 KILLINGS sa lalawigan ng LA UNION para sa kapakinabangan ng mga tiwaling POLITICIAN.

Kailangang maging alerto rito ang PNP at tuntunin sa kung sino ang mga POLITICIAN na nagmamanipula ng karahasan sa nasabing probinsiya.., lahat ng galamay at mastermind ay papanagutin at isadlak sa kulungan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post La Union politicians nanganganib ang kanilang buhay? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
La Union politicians nanganganib ang kanilang buhay? La Union politicians nanganganib ang kanilang buhay? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.