Facebook

Nueva Vizcaya Gobernador at 16 na iba pa, pinasasampahan ng reklamong paglabag sa anti-graft law sa Office of the Ombudsman ng Task Force Against Corruption ng DOJ

MATAPOS ang huling State Of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte, tuloy-tuloy ang kampanya ng gobyerno laban sa kurapsiyon.

Pinasasampahan ng kasong paglabag sa Anti-graft law ang gobernador ng lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil sa mga hindi natapos na proyekto o flagship project ng pamahalaan na pinondohan ng nasa P149 milyon.

Inendorso sa Office of the Ombudsman ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang reklamong paglabag ng Section . 3 (e) ng Republic Act ( RA) No.3019 o Anti- Graft and Corrupt Practices Act , Sec. 65 (c) (1) ng RA No. 9184 o the Government Procurement Reform Act laban kay Nueva Vizcaya Governor Carlos M. Padilla dahil sa hindi natapos na proyekto na kabilang sa proyektong pang imprastraktura ng gobyerno.

Kabilang sa mga proyektong ito ang Nueva Vizcaya Convention Center , Improvement at Expansion ng Provincial Capitol Building Phase 1 and 2, at Confence Hall sa Lower Magat Eco-Tourism Park sa Diadi , Nueva Vizcaya.

Sa joint investigation ng Presidential Anti- Corruption Commission ( PACC ) at ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit ( NBI- SAU ) pinasasampahan ng kapareho rin kasong kriminal ang iba pang opisyal at dating opisyal sa Nueva Vizcaya na kinabibilangan nila RUTH R. PADILLA;dating Gobernador, Atty. Voltaire B. Garcia ; BAC – Infra Chairman at Provincial Legal Officer, Engr. Manolo C. Normal ; Provincial Engineer , Rhoda S. Moreno ; Provincial Treasurer, Alejandra S. Dacumos ; Provincial Budget Officer at alternate BAC Member, Alexander B. Domingo ; Provincial Agriculturist , Engr Honorio B. Sierra Jr; BAC- Infra member at Provincial General Services Officer , Engr Nestor Velasco ; BAC -TWG Chairman ( Phase 2) , Engr. Virgilio dela Cruz ; BAC -TWG Member, Mario L. Olano ; BAC-TWG Member, Jean Bactotoy ; Sharysu Builders, Josephine P. Panopio; Sharysu Builders at Tom Binbinon; Sharysu Builders

Bukod sa reklamong paglabag sa anti- graft law inirekomenda din na mahaharap din ang mga respondents sa reklamong admistratibo o grave misconduct , serious dishonesty at conduct prejudicial detrimental to the best interest of the service.

Naunang inirekomenda ni PACC Commissioner Atty Danilo D.C. Yang na ilagay sa preventive suspension ang mga respondent na si Governor Padilla at labing – anim na iba pa , upang maiwasan na maipluwensyahan ang imbestigasyon , maiwasan na takutin ang potential witness at maiwasan ang tampering ng mga records o ng mga dokumento.

Sinabi ni Justice Secretary Guevarra na paiigtingin pa ng Task Force Against Corruption ng DOJ ang kampanya upang tumulong sa Pangulong Duterte laban sa kurapsiyon , ito ay sa tulong ng kooperasyon at suporta ng Office of the Ombudsman (OMB).

Plano ng DOJ na magtalaga ng mga prosecutors at COA auditors bilang resident ombudsman sa mga tinatawag na graft – prone agencies sa pamahalaan.

The post Nueva Vizcaya Gobernador at 16 na iba pa, pinasasampahan ng reklamong paglabag sa anti-graft law sa Office of the Ombudsman ng Task Force Against Corruption ng DOJ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nueva Vizcaya Gobernador at 16 na iba pa, pinasasampahan ng reklamong paglabag sa anti-graft law sa Office of the Ombudsman ng Task Force Against Corruption ng DOJ Nueva Vizcaya Gobernador at 16 na iba pa, pinasasampahan ng reklamong paglabag sa anti-graft law sa Office of the Ombudsman ng Task Force Against Corruption ng DOJ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.