SORSOGON CITY – Hindi na matiis ng mag-asawang rebelde ang buhay sa bundok, dahilan upang sumurender na sila sa pamahalaan.
Boluntaryong sumuender sa pamunuan ng 31st Infantry Battalion ang mag-asawang Simeon Salomon Gracilla alias Ka Jaime/Gracilla/Rolly, 60 anyos; at Nelia Apable Gracilla alias Tess, 58, kapwa residente ng Bgy Recto, Bulan, Sorsogon.
Kasamang ibinaba ng mga ito ang kanilang armas na isang kalibre .45 at kalibre 9mm na baril.
Ayon sa salaysay ng mag-asawa, pagod na sila sa katatago sa kabundukan, kungsaan madalas silang inaabutan ng lamig, init, gutom at takot na makaengkwentro ang mga sundalo, maliban pa sa dahilang wala silang nakukuhang pakinabang sa extortion na kanilang ginagawa.
Malugod na tinanggap ng commander ng 31st Infantry Battalion na si LtCol. Eric Culvera ang mag-asawang rebelde.
Inihahanda na ang mga kinakailangang dokumentos sa pagkakaloob ng government assistance program for returnees na E-CLIP o ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
The post Mag-asawang rebelde sumurender dahil sa pagod, gutom at takot sa bundok appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: