Facebook

Metro Manila lumubog sa baha

LUMUBOG sa baha ang maraming lugar sa Metro Manila sa walang lubay na buhos ng ulan dala ng Habagat nitong Linggo.

Kabilang sa nilubog ng matinding pagbaha ang Gumamela St. sa Barangay Roxas, Quezon City, gayundin sa Viente Reales Canumay west bypass road sa Valenzuela City na sumampa hanggang kasing-taas ng tao ang lalim, dahilan upang ma-stranded ang maraming biyahero dahil hindi ito maaaring madaanan ng sasakyan.

Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali nitong Lunes ay kabilang sa mga lungsod na dumanas ng matinding pagbaha ang Caloocan City na hanggang tuhod ang baha sa Bgy. 4, Sangandaan Bisig; gutter deep naman sa Bgy. Libis Baes at Brgy. 160.

Sa Malabon City, lagpas gutter deep sa C. Arellano, Bgy. Ibaba; gutter deep sa P. Aquino, Bgy Tonsuya; half tire deep naman sa Sitio 6, Bgy. Catmon pati sa Gov. Pascual, Ma. Clara at Panghulo road.

Sa Muntinlupa City, umabot hanggang tuhod ang lalim ng baha sa Aplaya, Bgy. Buli at Purok 1 entrance, Barangay Buli.

Hanggang dibdib naman sa Purok 1 dulo, Barangay Buli at hanggang bewang sa Hills view, Barangay Putatan.

Habang sa Navotas City, lagpas gutter deep ang baha sa Sipac Santiago at Daang Hari M. Naval, gutter deep naman sa M. Naval, Gov. Pascual.

Sa Pasig City, hanggang tuhod ang baha sa Kalusugan de la Paz, at gutter deep sa St. Mary Manggahan.

Ang iba pang lugar sa Quezon City na nalibing sa baha ay ang Maria Clara hanggang NS Amoranto, Araneta-P. Florentino hanggang Del Monte na parehong hanggang beywang ang lalim.

Mula beywang hanggang dibdib naman ang lalim sa West Riverside, Bgy. Del Monte, hanggang tuhod sa ERB Araneta gayundin sa Araneta-Victory Ave. pati sa Araneta-Caliraya hanggang Kitanlad kasama ang Agno Street, Tatalon at Victo Street, Tatalon.

Ang iba pang lugar sa Valenzuela City na binaha ay ang McArthur, BBB at G. Lazaro, Dalandanan na half tire ang lalim at hanggang tuhod naman sa P. Santiago, Mc Arthur.

Sa Taguig City, hanggang tuhod ang baha sa Kawayanan, Bgy. Tuktukan maging sa Bagong Sicat, Sta. Ana gayundin sa Mercado, Bgy. Hagonoy at Bagong Silang, Bgy. Hagonoy.

Lagpas tuhod naman sa lalim ang baha sa Moon light, Bgy Hagonoy.

Habang sa Manila, gutter deep sa Remegio Street corner Rizal Avenue at sa UN Taft.

The post Metro Manila lumubog sa baha appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Metro Manila lumubog sa baha Metro Manila lumubog sa baha Reviewed by misfitgympal on Hulyo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.