DEMAND from your government.
Ito ang panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng Manileño, kasabay din ng hamon niya sa kapwa niya opisyal nang pamahalaang lungsod na patunayan ang kanilang mga sarili bilang mga nararapat na public servants at itinanim sa kanilang isipan sa lahat ng oras lalo na ngayong panahon ng pandemya na sila lang at wala ng iba pang malalapitan ang taumbayan sa panahon ng kahirapan.
Sa kanyang state of the city address (SOCA) na ginanap sa session hall ng Manila City Council, inilatag din ni Moreno ang iba’t-ibang nagawa ng pamahalaang lungsod sa nakalipas na taon sa kabila ng umiiral na pandemya kabilang na ang mga tugon sa suliranin sa coronavirus pandemic, housing projects para sa maralita, patuloy na suportang pinansyal at pagkain sa mga underprivileged sectors sa Maynila at gayundin ang napakaraming karangalan na naiuwi ng lokal na pamahalaan dahil sa mga programa at hakbangin.
Sa pagkakataon ito ay pinasalamatan ni Moreno ang kanyang Vice Mayor na si Honey Lacuna, Secretary to the Mayor Bernie Ang, ang iba pang opisyal ng lungsod partikular na ang city treasurer na si Jasmin Talegon, na kung saan binanggit niya ang mga natatanging ambag sa tagumpay mg programa ng pamahalaang lungsod.
Binanggit din ng alkde ang malaking naitulong ng Manila City Council sa ilalim ng presiding officer na si Lacuna, majority floorleader Joel Chua at presiding officer Jong Isip. Ayon sa alkalde hindi matatawaran ang suporta ng mga ordinansang naipasa kahit pa lagpas na sa oras ng kanilang trabaho.
“Umaasa sa atin ang mamamayan. Di sila makatatakbo sa mga mahal nila sa buhay dahil sila ay nangangailangan din. Ang inaashan ng tao ngayon ay ang pamahalaan. Tayo ang kanilang sandigan, tayo ang kanilang masasandalan,” sabi ng alkalde.
Idinagdag pa nito na : “Dapat, tayo ay maging kaagapay ng bawat pamilyang Manilenyo kaya nakikisyo ako, ‘wag tayong magre-relax. Ang mga award, sa istante lang yan. Ang mahalag, ‘yung kilos at pakikiisa ng bawat isa… pagtutulugan. ‘Wag nating tutularan ang iba, habang sila abalamg palakihin ang karera at mga pulitika nila sa buhay, manatili tayo sa direksyon natin kung saan nagkakaisa tayo. Magkakaiba tayo ng partido, layunin at ideya ngunit may iisa tayong obligayon na inaasahan ng tao ngayon. Patunayan natin na tayo ay public sevant.”
Sa bahagi naman ng mga Manileño, sinabi ni Moreno na hinihikayat niya ang mga ito na mag-demand sa kanilang gobyerno at huwag maging kuntento sa kung ano na lang ang ibigay sa kanila upang mapilitan ang mga public servant na ibigay ang kanilang husay at galing sa paglilingkod sa taumbayan.
“Wag kayong para bang okay lang, pwede na. Hinde. Dapat mag-demand ang tao and through that, tayo namang public servants, dapat tayo manatili maging mainam masinop at episyente silang paglingkuran,” sabi ni Moreno na idinagdag din na bagama’t marami ng nagawa ang pamahalaang lungsod ay marami pa rin ang dapat na gawin lalo na’t nasa ilalim pa rin ang mundo.
Pinayuhan din ni Moreno ang kanyang kapwa manggagawa sa lungsod na mag-focus sa kanilang trabaho at umiwas sa politika dahil hindi ito ang kailangan ng taumbayan sa kasalukuyan.
“Tanungin ninyo ang inyong sarili, ano ginawa ko nung pandemya? Ako ba ay naging bahagi ng solusyon o patuloy ko lang pinapalaganap ang karera ko?” sabi pa ni Moreno.
Bilang panghuli pinasalamatan ni Moreno ang lahat ng residente ng Manila sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na makapagsilbi at umapela din ang alkalde ng patuloy na tulong at suporta. Si Moreno ay may dalawang dekada nang nagsisilbi sa lungsod bilang city councilor, vice mayor at ngayon bilang mayor.
“I need you I cannot do this alone. We must come together hand-in-hand… May awa ang Diyos, mananalo tayo. Kailangang-kailangan ko po kayo…Tandaan po ninyo, iisang bangka po tayo,” pagtatapos ng alkalde. (ANDI GARCIA)
The post “MAG-DEMAND KAYO SA INYONG GOBYERNO” – ISKO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: