Facebook

Bong Go sa economic frontliners: Kumpletuhin ang inyong bakuna

Ipinadala ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang grupo sa Lapuyan, Zamboanga del Sur upang mamahagi ng ayuda at karagdagang tulong sa may 1,500 pandemic-hit workers na binubuo ng Tricycle Operators and Drivers’ Association members, event personnel, carinderia at sari-sari store operators at ambulant vendors.

“Magandang araw po sa inyong lahat, mga kababayan ko. Kumusta po kayo? Sana po’y nasa mabuti kayong kalagayan. Alam ko pong mahirap ang panahon ngayon, nasa krisis po tayo dulot ng COVID-19 pandemic,” ang pagbati ni Go sa video message.

Iginiit ng senador sa mga eligible na magpabakuna, lalo ang economic frontliners at essential workers at sinabihang huwag matakot sa COVID-19 vaccines para sila ay maprotektahan laban sa virus habang tinutulungan ang mga komunidad na makamit ang herd immunity.

“Mga kababayan ko, ang bakuna po ang pag-asa natin dito. Magtiwala ho kayo sa bakuna. Ang bakuna po ang tanging susi para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” ani Go.

“Ang ating target ngayon ay makamtan natin ang population protection at herd immunity po. Sana po bago mag-Pasko para naman po sumaya ang ating Pasko. Sa mga nasa priority list na po, magpabakuna na po kayo. At sa mga nabakunahan na po ng two doses, mga kababayan ko, huwag ho kayong maging kumpiyansa,” dagdag niya.

Ang mga staff ni Go na nagsagawa ng distribusyon ng ayuda sa Lapuyan Central School ay namahagi ng meals, masks, face shields, at vitamins sa mga benepisyaryo.

May mga napiling mabigyan ng pares ng sapatos at bisikleta at computer tablets para magamit ng mga batang mag-aaral.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, tiniyak ni Go sa mga benepisyaryo na may health concerns na ang Zamboanga del Sur Medical Center sa Pagadian City at Margosatubig Regional Hospital sa Margosatubig town ay may Malasakit Centers na nakahandang magbigay sa kanila ng medical assistance at health-related expenses.

Sa kasalukuyan ay may 128 Malasakit Centers na sa buong bansa simula nang pasimulan ng senador ang inisyatiba ng programa noong February 2018.

Ang huling binuksan nitong July 10 ay sa Lianga District Hospital sa Lianga, Surigao del Sur.

The post Bong Go sa economic frontliners: Kumpletuhin ang inyong bakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa economic frontliners: Kumpletuhin ang inyong bakuna Bong Go sa economic frontliners: Kumpletuhin ang inyong bakuna Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.