Facebook

Magpinsan patay sa gumuhong ginagawang balon

NASAWI ang magpinsan nang matabunan ng lupa nang gumuho ang ginagawang balon na may lalim na 20 ft sa Barangay Ili Sur, San Juan, La Union.

Kinilala ang mga biktima na sina Henry Benavidez, 29 anyos, residente ng Bgy. Calumbaya, Bauang; at Elvis Lorenzo, 30, ng Bgy. Nagrebcan, Bauang.

Sa report, nangyari ang insidente 3:00 ng hapon nitong Sabado.

Bago ang insidente, tumigil sa paghuhukay ang mga trabahador dahil umulan.

Nang tumila ang ulan, unang bumaba sa hinuhukay na balon ang magpinsan.

Sinasabing malambot ang lupa dahil umulan at mabuhangin pa ito dahil malapit sa dagat, naging dahilan ng pagguho.

Unang na-retrieve si Benavidez at sinubukang i-revive sa ospital ngunit namatay din.

Habang si Lorenzo ay natagpuan ang katawan pagkatapos ng higit siyam oras na paghuhukay ng malaking backhoe.

Agad itong dinala ng ambulansiya sa pinakamalapit na pagamutan para mabigyan ng karampatang lunas ngunit namatay din.

The post Magpinsan patay sa gumuhong ginagawang balon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magpinsan patay sa gumuhong ginagawang balon Magpinsan patay sa gumuhong ginagawang balon Reviewed by misfitgympal on Hulyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.