Facebook

SK kagawad patay, 1 sugatan sa banggaan ng motor at multicab

PATAY ang isang Sangguniang Kabataan member ng Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat sa banggaan ng motorsiklo at multicab sa kahabaan ng national highway sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Ito ang kinumpirma ni Police Major Albert Fornan, hepe ng Bagumbayan PNP.

Kinilala ni Major Fornan ang biktima na si Jayson Pascua, SK kagawad ng Kalawag 2.

Sa ulat, binabaybay ng biktima sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng highway galing sa Isulan patungong Poblacion ng Bagumbayan kasama nito si Joey Buem Sawit nang nakasalubong nila ang isang multicab na minamaneho ni Fahad Sandigan Mamansalit ng Sitio Mantisao, Barangay Bual, Isulan na liliko sana sa direksyon na tinatahak ng mga biktima, naging sanhi ng head-on-collision ng dalawang sasakyan.

Sa lakas ng impact, tumilapon si Pascua at Sawit at nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng katawan, habang wasak ang harapang bahagi ng multicab ngunit walang natamong gasgas ang mga sakay ng multicab.

Dead-on-the spot si Pascua dahil natanggal ang helmet na suot nito habang mabilis na isunugod sa ospitak si Sawit.

Nakakulong sa Bagumbayan PNP ang driver ng multicab.

The post SK kagawad patay, 1 sugatan sa banggaan ng motor at multicab appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SK kagawad patay, 1 sugatan sa banggaan ng motor at multicab SK kagawad patay, 1 sugatan sa banggaan ng motor at multicab Reviewed by misfitgympal on Hulyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.