NANINDIGAN si San Enrique, Iloilo Mayor Rosario Mediatrix Fernandez na nakipag-ugnayan sila sa Department of Health hinggil sa pagkasira ng 167 Sinovac vaccines na nasa cold storage facility ng nasabing bayan.
Ayon kay Mayor Fernandez, may nangyaring brown out sa kanilang bayan na tumagal ng 15 minuto ngunit walang inilabas na babala.
Ayon sa alkalde, umabot sa 10 degree celsius ang temperatura ng refrigerator kungsaan nakaimbak ang Sinovac vaccines na dapat sana ay nasa 2 hanggang 8 degree celsius lamang.
Nag-abiso naman ang DOH na huwag gamitin ang nasabing bakuna dahil posibleng may masamang epekto ito sa kalusugan kapag naiturok na sa tao.
The post Sinovac vaccine sa Iloilo, nasira dahil sa brown out appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: