Facebook

Magsasaka pagmalasakitan at bigyang proteksyon – Briones

MATINDING pagkadismaya ang nararanasan ng mga consumers sa kabiguan ng pamahalaan na maibaba ang presyo ng baboy kahit pa bumabaha na ng mga imported na karne sa bansa.

Sinabi ni Agriculture Sector of the Philippine (AGAP) at Pork Producers of the Philippines Chairman Nicanor Briones, na bigo ang gobyerno partikular ang Department of Agriculture (DA) na tulungan ang maliliit na magbababoy.

Pahayag ni Briones, na napako lamang ang pangako ng pamahalaan na pababain ang presyo ng baboy at hindi masolusyunan ang pagkalat ng virus na African Swine Fever (ASF) kung saan sa kasalukuyan napeste na rin ang mga alagang baboy sa Leyte at isang barangay sa Nabunturan, Davao city ang isasailalim ang 45 baboy sa culling.

Sa patuloy na pagkamatay ng mga alagang baboy sa natursng rehiyon posibleng magdulot ito ng food crisis sa bansa.

Sa ngayon aabot na sa 4.2 milyong pamilya ang nagugutom na batay sa survey ng SWS.
Aniya, kaya mayroon malaking bilang ng mga nagugutom dahil 30 milyong Pilipino pawang mga magsasaka na hindi kumikita bunga ng smuggling at importasyon.

“Nadenggoy lamang ng gobyerno ang mga konsyumer sa sinasabing P50 hanggang 60 bilyong ang matitipid kada taon dahil sa pangakong bababa ang presyo ng baboy mula P380 hanggang P220 kada kilo,” wika pa ni Briones.

Dagdag pa nito na lugi na ang comsumer lugi pa ang gobyerno dahil ang kumikita lang ang mga importer nang ibinaba ang taripa.

Ayon pa kay Briones, tinanggal na rin ang tulong na P5,000 na ipinangako ng DA sa mga magbababoy na naapektuhan ng ASF epektibo nitong July 1.

Nanawagan si Briones sa mga ‘economic managers’ na magkaroon ng malasakit sa mga magsasaka at bigyan ang mga ito ng proteksyun upang makaahon sa pagkalugi bunsod ng pandemya.

Babay ASF pa rin ang programa ng DA pero ‘di naman natupad dahil walang pondong inilalabas.

The post Magsasaka pagmalasakitan at bigyang proteksyon – Briones appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magsasaka pagmalasakitan at bigyang proteksyon – Briones Magsasaka pagmalasakitan at bigyang proteksyon – Briones Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.