Facebook

‘Wag kayong mag-alala, safe ang bakuna natin’ — Isko

“NO worries. Our vaccines are safe.”

Ito ang pagtitiyak ni Manila Mayor Isko Moreno kaugnay ng mga katanungan ng mga netizens tungkol sa safety ng mga anti-COVID-19 vaccines na nakalagak sa storage facility ng lungsod ng Maynila sa Sta. Ana Hospital.

Nag-ugat ang mga pangamba at katanungan mula sa isang insidente kamakailan sa isang lungsod kung saan ang second dose vaccination ay kailangang suspendihin matapos na ang mga bakuna ay makompromiso dahil sa pagkakaroon ng malfunction ng storage facility.

Ayon kay Moreno ang Pfizer vaccines na nakatago sa nabanggit na storage facility ay nakareserba para sa second dose.

“No worries. May redundancy tayo ng power supply. Inabangan na natin yan before pa. We can last and co-exist without power up to one week,” paniniguro ni Moreno sa mga residente na umaasa ng kanilang second dose.

Ayon kay City Engineer Armand Andres, ang storage facility ng lungsod ay may built-in generator na kusang mag-o-operate sakaling magkaroon ng power outage o brownout.

Sinabi pa ni Andres na ito mismo ang pangunahing concern ng alkalde nang itinatayo ang storage facility.

Ayon naman kay Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, nagsasagawa ng regular at frequent checking sa storage facility upang matiyak na napapanatiling ligtas at nasa maayos na kundisyon ang mga bakuna.

Samantala, sinabi naman nina Vice Mayor Honey Lacuna at Dr. Arnold Pangan kay Moreno na halos lahat ng second dose vaccines ay nagamit na sa pagpapatuloy ng bakunahan sa mga residente ng lungsod.

Nalulungkot si Moreno dahil medyo may katagalan na nang huling binigyan ng kaukulang first dose vaccines ang Maynila mula sa national government.

Binigyang diin ng alkalde na ang storage facility ng pamahalaang lungsod ay ginawa nang may kakayanan na ma-meet ang anumang temperature requirement nang kahit na anong brand ng vaccine na maaring dumating.

Bumili din ang lungsod ng mga sophisticated cooler containers para gamitin kapag ibinabyahe na ang mga bakuna papuntang vaccination sites upang ma-maintain ang kailangang temperatura nito. (ANDI GARCIA)

The post ‘Wag kayong mag-alala, safe ang bakuna natin’ — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Wag kayong mag-alala, safe ang bakuna natin’ — Isko ‘Wag kayong mag-alala, safe ang bakuna natin’ — Isko Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.