NAGBIGAY ang Office ni Senator Christopher “Bong” Go ng relief sa mga youth workers ng Lagawe, Ifugao nitong nakalipas na Miyerkules, June 23 bilang bahagi ng pagsisikap ng ahensya ng pamahalaan para matulungan ang mga sector na naapektuhan ng pandemya.
Nagkaloob ang naturang grupo ng pagkain, vitamins, masks at face shields sa may 200 youth workers ng Lagawe Public Plaza. Ang mga benipisaryo ay grinupo para matiyak na maisasagawa ang pamamahagi kasunod ng pagsunod sa health and safety protocols.
Kaugnay nito ilang manggagawa ay binigyan ng bagong sapatos at bisekleta habang ang iba naman ay computer tablets para sa kanilang educational and works needs.
Sinabi pa ng tanggapan ni Sen. Go upang maibsan ang epekto ng Covid-19 sa ekonomiya ng bansa ang mga representatives ng Department of Labor and Employment ay nagbigay din ng emergency employment assistance sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program.
Habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagbigayng dagdag na financial aid bilang hiwalay na distribution.
SA video message sinabi ni Go na ang pamahalaan ay nagsisikap ng para mabakunahan ang mga A4 priority group sa mga susunod na linggo. Kabilang na ditto ang mga economic frontliners at iba pang miyembro ng essential sectors.
Bilang chair ng Senate Committee on Health tiniyak ng senator na ang vaccine rollout ay magpapatuloy para maabot ang mga indigents sa mga malalayong lugar.
Samantala umapila si Go sa publiko na maging mapagbantay at makipagtulungan upang malagpasan ng bansa ang krisis.
“Patuloy na dumarating ang mga bakuna. Unti-unti na pinapadala ito sa iba’t ibang parte ng bansa. Kapag nasa priority list kayo, magpabakuna na kayo. Huwag kayong matakot dito dahil ito ang susi para makabalik na tayo sa normal natin na pamumuhay,” ayon sa Senator.
“Kaunting tiis lang po. Ginagawa namin ang lahat sa abot ng aming makakaya upang malampasan natin itong krisis. Importante na makamit natin ang herd immunity ngayong taon. Napakarami na ang nawalan ng trabaho at nagsara na negosyo. Bakuna ang kailangan para sumigla muli ang ating ekonomiya,” pagpapatuloy pa ng senator.
Nag-alok din ang Senator ng assistance sa mga beneficiary ng medical at health na katulad na related concerns.
The post Mas marami pang Covid-19 vaccines para sa indigents at economic frontliners – Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: