Facebook

Shabu at granada huli sa tulak sa Rizal!

ARESTADO ang isang lalaki nang mahulihan ng malaking halaga ng shabu at granada sa anti-illegal drug operation sa Montalban, Rizal.

Kinilala ni Police Lt. Colonel Christopher Dela Peña, hepe ng Montalban Police, ang nadakip na si Nano Ulama, 45 anyos, ng Barangay San Jose, Montalban.

Nadakip si Ulama 9:10 ng gabi ng Martes, Hunyo 29, sa buybust operation nina Lt. Fernan Romulo sa Mayon Avenue, Bgy. San Jose.

Nakuha dito ang 25.52 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P173, 500.00, isang granada, weighing scale, at shabu paraphernalias. (Edwin Moreno)

The post Shabu at granada huli sa tulak sa Rizal! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Shabu at granada huli sa tulak sa Rizal! Shabu at granada huli sa tulak sa Rizal! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.