NANAWAGAN at pinaalalahanan ng grupong ‘Yes for Peace-Bayanihan ng Bayani’ (Y4P-BnB) ang pamahalaan ng Netherlands na ang pagkakanlong nito sa lider ng teroristang-komunistang samahan na Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) na si Jose Maria ‘Joma’ Sison sa kanilang bansa ang nagbubunsod ng karahasan sa Pilipinas.
Sa isang liham ng non-goverment organization na Y4P-BnB kay Dutch Prime Minister Mark Rutte na ipinadala Hunyo 28 sa pamamagitan ni Ambassador to the Philippines na si Robert Brinks, isinaad ng grupo ang pagkadismaya nito sa patuloy na pagkakanlong ng Netherlands kay Sison.
Sinabi ng grupo na malubhang nakakapinsala na ang mga karahasan na hinahasik ng NPA, ang armadong grupo ng teroristang CPP.
“Aming tinutukoy ang patuloy na paglabag sa karapatang pangtao at sa international humanitarian laws ng New People’s Army sa pag-uutos ni Jose Maria Sison, ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines,” ang nakasaad sa sulat na isinalin sa salitang tagalog.
Hindi rin maintindihan ng Yes for Peace kung bakit patuloy paring binibigyan nito ng proteksiyon si Sison.
Noon lamang Pebrero, sabi ng grupo, na ang European Union (EU) ay muling iginiit na ang CPP-NPA ay kabilang sa listahan ng mga terorista sa mundo, sa pamamagitan ng EU Council Implementing Resolution 2021/138.
Ang United Nations, sa ulat na inilabas ng kanilang Secretary General’s Report on Children in Armed Conflict noong June 20, 2019, ay nagsasabing ang NPA ay isinama na at itinuturing na grupo ng terorista gaya ng Daesh, ISIS, Taliban at Al-Qaeda.
Sa patuloy na pagkakanlong ng Netherlands kay Sison ay lumalabas na kasabwat ang bansang ito sa pagkakalat ng terorismo sa Pilipinas. Dagdag pa ng grupo na kanila ring pinagdududahan ang mga alok ni Sison ng usapang pangkapayapaan, dahil sa kwestiyonableng pagkatao nito.
Ang America, United Kingdom, Austalia, Canada at New Zealand ay ilan lamang sa mga bansa sa mundo na idineklara nang mga teroristang-komunista ang CPP-NPA ayon sa Y4P-BnB.
The post ‘IBALIK SI JOMA SA PINAS!’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: