INANUNSYO ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaring makulong ang may-ari ng Nexgreen Enterprises na si Jasper So dahil sa mga nadiskubreng paglabag sa labor practices.
Sinabi ni Bello na ilan sa mga nadiskubre nila ang hindi pag-remit ng kompaniya sa SSS, Philhealth at Pag-ibig contributions ng kanilang mga manggagawa.
“Yung non-remittance ng SSS premium, criminal case yan, puwedeng makulong ang may-ari na yan at saka mada-ling ma-convict ‘yan,” sabi pa ng kalihim.
Aniya, kakausapin nila ang mga trabahador para makakuha ng mga testimoniya na pagbabasehan ng mga isasampang reklamo.
Magugunita na naging viral sa social media ang pagpapasuweldo sa isa sa mga trabahador nito na si Russel Mañosa ng 5 at 10 sentimos na umaabot sa P1,056.
Ikinagalit ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pangyayari. Ipinasuspinde niya ang operasyon ng kompaniya bago nadiskubre na may utang pa ito kay Mañosa na P55,000 sa kanyang mga suweldo.
Sinabi ni Mañosa na paghihiganti ito sa kanya ng may-ari dahil sa idinaing niya ang mga paglabag sa mga batas-paggawa ng kompaniya.
The post Nagpasahod ng barya makukulong – DOLE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: