DINAKIP ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng naaktuhang nagpapanggap na abogado sa loob ng korte, sa ParaƱaque nitong Martes (June 22).
Kinilala ang pekeng abogado na si Mary Jean Runnstrom.
Sa ulat, dumating at humarap sa korte si Runnstrom para irepresenta ang kanyang kliyente nang arestuhin ng mga otoridad sa ParaƱaque court.
Inaalam pa ng otoridad ang tunay na pagkakilanlan ni Runnstrom.
Ipinaliwanag ni Runnstrom sa umarestong NBI agents na mayroon siyang inaasistehang abogado sa nasabing kaso. Subali’t base sa records ng kor-te, sinasabing si Runnstrom mismo ang tumatayong abogado ng akusado.
Napag-alaman na si Atty. Stephen Cascolan ang nagbi-gay ng impormasyon sa NBI sa mga aktibidades ni Runnstrom dahil nagkaroon sila ng magkaparehong kli-yente.
“She was hired by my client because she claimed to be a high profile lawyer. She was even interviewed on television as a lawyer on the GCTA (Good Conduct Time Allowance) issue,” wika ni Atty. Cascolan.
Sa report, sinasabi ni Runnstrom sa kanyang social media account na isa siyang abogado na nakabase sa Sweden.
Ayon kay Cascolan, nang kanilang beripikahin sa Office of the Bar Confidant sa Supreme Court, nadiskubre na hindi miyembro si Runnstrom ng Philippine Bar.
Sinabi pa ni Cascolan na karamihan sa mga naging kli-yente ni Runnstrom ay foreigners at hindi alam na hindi siya tunay na abogado.
Dagdag pa ni Cascolan, milyon kung maninggil si Runnstrom para ma-dismiss umano ang kaso ng kanyang mga kliyente.
“Runnstrom even asked the client to put all his assets and business shares under her name so it won’t be garnished by the Philippine government. That’s when the client decided to replace her,” pahayag pa ni Cascolan.
Napag-alaman din ni Casco-lan na may kausap na surety bond company si Runnstrom na pinagpo-post ng P1 million cash bond ang mga kliyente para makakuha ng bond certificate.
Mahaharap si Runnstrom sa kasong usurpation of authority at posible rin makasuhan ng estafa.
The post Pekeng abogado timbog sa korte appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: