Facebook

Mga batang edad 5 pataas pwede nang lumabas ng bahay

MAAARI nang lumabas ang mga kabataan na may edad 5 anyos pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ito ang inianunsyo kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque subalit nilinaw na hindi nito sakop ang mga lugar na nasa ikalim ng GCQ with heightened restriction tulad ng Cavite at Laguna.

Ayon kay Roque, maari nang magpunta sa mga park, playground, outdoor tourism areas at biking and hiking trails ang mga bata kung sila ay may kasamang matanda na.

Gayunman, hindi pa rin papayagan makapasok sa shopping malls ang mga kabataan na nasa edad 15 pababa.

Binigyan din ng kapangyarihan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga local government units na taasan ang age restrictions ng mga bata depende sa sitwasyon ng COVID sa kanilang nasasakupan. (Jonah Mallari/Vanz Fernandez/Josephine Patricio)

The post Mga batang edad 5 pataas pwede nang lumabas ng bahay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga batang edad 5 pataas pwede nang lumabas ng bahay Mga batang edad 5 pataas pwede nang lumabas ng bahay Reviewed by misfitgympal on Hulyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.