KINUMPIRMA ng National Task Force Against COVID-19 ang pagdating sa bansa ng higit dalawang milyong dose pa ng AstraZeneca vaccine nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 9 na donasyon ng COVAX Facility ng World Health Organization.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, nasa 2,028,000 dose ng bakuna ang dumating sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City dakong 4 :00 ng hapon sakay ng Emirates Airlines flight EK 332.
Naunang dumating nitong Huwebes, Hulyo 8 ang kabuuang 1,124,100 dose ng AstraZeneca vaccine na donasyon naman ng Japan sa Pilipinas, na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Villamor Air Base sa Pasay City. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)
The post Higit pang 2M AstraZeneca vaccines dumating na sa Pinas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: