NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) 5,881 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Hulyo 9.
Samantala ay mayroon namang naitalang 3,003 na gumaling at 70 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.6% (51,902) ang aktibong kaso, 94.7% (1,383,833) na ang gumaling, at 1.76% (25,720) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 7, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.2% sa lahat ng samples na nai-test at 2.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 5,881 bagong kaso; 3,003 gumaling; 70 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: