KAHIT puro dedma ang inaabot ng Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) group ng kongreso na pinamumunuan ng dating House Speaker Taguig City Congressman Alan Peter Cayetano ang kanilang inihaing 10k Ayuda Bill, eh hindi pa rin sila tumitigil sa pagkatok sa pintuan ng kasalukuyang liderato ng kamara para sa isang special session.
Di ba matitigas ang ulo ng grupo? Pinipilit kasi nila si House Speaker Lord Allan Velasco na pag-usapan nila sa plenaryo na mabigyan ng 10k ayuda na pwedeng gawing puhunan sa negosyo ng bawat pamilya partikular yung mahihirap, kayo talaga, Anak Kalusugan Party List Rep. Mike Defensor, Batangas Cong. Ranie Abu, Laguna Cong. Dan Fernandez, Cam Sur. Rep. LRay Villafuerte, Bulacan Cong. Kuya Dan Alvarado at iba pa siyempra kasama sa matigas din ang ulo Rep. Cayetano, eh ayaw nga na mabigyan ng 10 libong pisong pagasa ang mahihirap, Ano ba kayo talagang matitigas ang ulo nyo..
Aminado naman ang BTS group mga ka Usapang HAUZ na talagang matitigas ang kanilang ulo lalo’nat ang kanilang adhikain ay tulungan ang mga mahihirap na pamilya na magkaroon ng pang kabuhayan kaya’ kahit anong dedma sa kanila itutuloy at itutuloy nila ang 10 Libong Pagasa na naumpisahan na.
Maganda ang nais ng BTS group lalo na ang dating Speaker Cong. Cayetano, biro nyo sisikapin nitong magkaisa ang Executive sa layuning 10K Ayuda bago ang SONA talagang matigas ang ulo ayaw nga eh hahahaha.
Ang maganda nito nanatiling positibo si dating House Speaker na makakaisa nito ang Executive Branch na maisakatuparan ang panukalang 10K Ayuda para sa bawat pamilya bago ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26 ayan ang ipekto ng katigasan ng ulo diba maganda speaker LAV?
Handa ang BTS group kasama ang iba pang mga kaalyado sa Kongreso na ibinida ni Cayetano na handa ang grupo na iprisinta ang mga impormasyong kanilang nakalap na magpapakitang epektibo ang pamimigay ng P10,000 na ayuda sa bawat pamilya sa gitna ng pandemya.
Panalangin ng grupo mga ka Usapang HAUZ na sana tama ang impormasyon ng Pangulo going to the SONA and that we reach a consensus. The President has to have the right information dahil baka hindi umaabot sa kanila na may ganoong pondo.
Hindi magiging matigas ang ulo ng BTS group partikular ang dating house speaker kung alam nilang walang pagkukunang pera para sa pamamahagi ng 10k kada pamilya.
Sa katunayan kasama dito ang P207 bilyong “unobligated funds” at P400 bilyong naka-deklara sa book balance ng gobyerno noong Disyembre 21, 2020. Ang mga ito ay maaaring i-reprogram kagaya nang ginawa ng Kongreso sa Bayanihan 1.
Makailang ulit rin palang hinimok ni Cayetano ang Kongreso na magsagawa ng pagdinig tungkol sa mga “unused fund” sa Bayanihan 2, tulad ng P18.4 bilyon na dapat ay para sa COVID-19 testing, contact-tracing, at mga healthcare worker, pati na ang P23 bilyon na ginamit ng Malacañang sa pamimigay ng P1,000 sa bawat low-income earner.
Kaya sabi ng BTS group pag-aralan nila kung ano ‘yung mga programa (sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2) na helpful para ulitin, ano ang mga hindi maganda para ‘di na ulitin, ano ‘yung hindi in-implement, at bakit hindi in-implement.
The post BTS Group ng Kongreso Matigas ang Ulo! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: