Facebook

MGA PANUKALA NI BONG GO, BUMIDA SA SONA

NAGPAHAYAG ng kagalakan at lubos na pasasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga panukalang batas sa Senado, lalo sa mga magiging tugon sa natural at human-induced disasters, sa huling State of the Nation Address ng Chief Executive noong Lunes.

Simula nang mahalal na senador noong 2019, isinusulong na ni Go ang mga panukalang lilikha sa mabilis, iisa at mas maayos na whole-of-government approach sa mga sitwasyon gaya ng krisis.

“Iisa po ang hangarin namin ni Pangulong Duterte kaya naman nagpapasalamat po ako sa Pangulo for mentioning some of my priority bills during his final SONA,” ang sabi ni Go.

“Naiintindihan po ni Pangulong Duterte na iba’t ibang krisis at sakuna ang hinaharap ng mga Pilipino bawat taon. Kung gaano kabilis makasira ng pamumuhay ang mga di inaasahang pangyayaring ito, mas mabilis dapat ang aksyon ng gobyerno upang mapaghandaan at maprotektahan ang buhay at kapakanan ng mga Pilipino,” idinagdag ng senador.

Sa kanyang ika-6 na SONA, binanggit ni Duterte ang pangangailangan na magkaroon na ng Department of Disaster Resilience.

Ang Senate Bill No. 205, na inihain ni Go ay layong lumikha ng Department of Disaster Resilience, na nakapokus sa pagtiyak ng proactive approach sa natural na kalamidad.

Sa ilalim ng panukala, ang DDR ang magpapabilis sa lahat ng responsibilidad na may kinalaman sa disaster preparedness and response, functions na kasalukuyang nakakalat sa iba’t ibang departamento at tanggapan ng gobyerno.

“Bago pa dumating ang bagyo, mayroon na hong makikipag-coordinate sa LGUs, preposition of goods at ilikas po ang mga kababayan natin sa ligtas na lugar. At pag-alis ng bagyo, restoration of normalcy kaagad, maibalik kaagad sa normal ang pamumuhay ng mga kababayan natin. ‘Yan po ang layunin ng Department of Disaster Resilience,” ayon kay Go.

“Madalas pong tamaan ng bagyo, lindol at iba pang kalamidad ang ating bansa. Kailangan na talaga nating i-scale up ang preparedness to resiliency against disasters,” dagdag ng senador.

At para mapalawak at mapalakas ang kapabilidad ng Bureau of Fire Protection sa pagtugon sa mga fire-related incidences, binigyang diin din ni Pangulong Duterte ang pangangailanbgang maisapa na ang SBN 1832, mas kilala bilang Bureau of Fire Protection Modernization Act.

Iniakda at co-sponsored ni Go, ang SBN 1832 ay nagbibigay ng mandato sa BFP na ipatupad ang modernization program, kinabibilangan ng upgrading at pagbili ng fire equipment, pagrerekrut ng mga bagong bumbero, pagdi-develop ng specialized training programs, pagsasagawa ng buwanang fire prevention campaigns, at marami pa.

“Nasa Bicam na po ito at meron lang pong kailangan i-reconcile sa Bicam report. Ako naman po, ang importante ay maipasa po ito agad. Hopefully po ay sana maipasa na po ito upon resumption ng Congress at matulungan na po natin ang ating kababayan,” sabi ni Go.

“To better protect Filipinos, we need to further strengthen the Bureau of Fire Protection by improving its services and capabilities so that it can efficiently and effectively respond to incidents and other catastrophes,” idinagdag ng mambabatas.

Sa huli, idiniin ng Pangulo ang kanyang pagsuporta sa enactment ng SBN 1228 na lilikha sa climate change resilient communities sa pamamagitan ng pagtatayo ng evacuation center sa bawat local government unit sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kada taon, nasa 20 bagyo ang tumatama sa bansa at lima sa mga ito ang labis na mapanira. Kapag nagpapatupad ng preemptive o mandatory evacuation, ang taumbayan ay kadalasang bumabagsak lamang sa mga paaralan at gymnasiums na ginawang evac center.

“Kailangang magpatayo tayo ng mga safe, permanent and dedicated evacuation centers na mayro’n sapat na mga emergency packs, katulad ng blankets, tubig, gamot, flashlight, at ready na relief goods. Obligasyon ng gobyerno na palaging maging handa sa oras ng sakuna,” paliwanag ni Go explained.

The post MGA PANUKALA NI BONG GO, BUMIDA SA SONA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MGA PANUKALA NI BONG GO, BUMIDA SA SONA MGA PANUKALA NI BONG GO, BUMIDA SA SONA Reviewed by misfitgympal on Hulyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.