Facebook

Pink Lacson 2nd time around

TULOY na ang tambalang Pink Lacson at Tito Sen para sa May 22 national elections.

Year 2004 nang unang tumakbong Presidente ng Pilipinas si Pink Lacson,nickname na personal na binansag sa mama ni late Senator Miriam Defensor Santiago nang minsang magkabangga at magkainitan ang dalawang mambabatas sa kalagitnaan ng isang Senate hearing.

Kung fighter si Pink Lacson,warrior naman at terror ng Senado si Sen.Miriam.

Kung ano man ang nais ipakahulugan ng senadora sa pagtawag kay Lacson ng Pinky Lacson sa halip na Ping ay wala na tayong pakialam doon.

Bigla lamang natin naalala ang monicker na yaon ngayon ngang maingay na maingay ang pangalan ng senador dahil muli nga itong tatakbong pangulo 2022 sa presidential derby.

Again we recall the year 2004 nang tumaas ang kilay ng mga botanteng Pinoy nang makisawsaw nga si Pink Lacson sa labanan sa pagka-pangulo sa pagitan ni sitting president Gloria Macapagal Arroyo at action superstar Fernando Poe Jr.

Marami ang nagsabi na ang ginawang pagtakbo ni Lacson noon ay naging sanhi upang mahati ang dapat sanay boto ng oposisyon para kay FPJ na manok ng napatalsik na Pangulong Joseph Erap Estrada.

Kung baga spoiler ang naging role ni Pink Lacson sa sana’y naging Pangulong Panday (FPJ).

Marami ang nadismaya kay Lacson nang ipagsiksikan nito ang sarili sa halip na magbigay-daan sa llamadong si FPJ sa laban.

Maraming kaibigan at kapwa pulitiko si Pink Lacson ang sumama ang loob sa dating PNP chief gaya ng classmate nito sa PMA kapwa senador noong panahon na iyon na si Gringo Honasan.

Isa kasi si Gringo sa mga nakiusap kay Pinky Lacson para mag-give way kay FPJ sa nasabing halalan upang masiguro ang panalo ng aktor laban sa malakas ding si GMA.

Pero binasura lamang at di pinakinggan ni Pink Lacson ang pakiusap ng kaklaseng si Gringo na noon ay chief incharged sa security ni FPJ during the duration of a countrywide campaign.

In short,natalo si FPJ kay GMA sa pinakakontrobersiyal na pang panguluhang halalan sa kasaysayan ng bansa.
And the rest is history.

Ngayon naman ay eto na naman si Lacson at muli “spoiler” uli ang papel nito sa iba pang aspirante sa pagka presidente gaya nina Leni Robredo,Manny Pacquiao at Isko Moreno.

Ang tatlo kasing ito ang may malaking tsansa na talunin ang survey frontrunner at llamadong llamado na si presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Kung noon ay masasabing may outside chance na makatsamba ang isa sa tatlo laban kay Inday Sara,ngayon ay biglang naglaho ang kakarampot na pag-asa dahil binasag nga ni Pink Lacson ang mga botong puwede sanang mapunta kay Leni Pacquiao o Isko.

Sa ginawang ito ni Lacson,malinaw na pinagkalooban nito ng additional advantage si Inday Sara na suportado ng Mindanao bloc congressmen at mga Diehard Duterte Supporters (DDS).

Kaya di maaalis na isipin na kaya lamang tumakbo si Pink Lacson ay para bulabugin ang pilit sanang itinatatag na grand coalition ng oposisyon kontra Duterte candidates.

Eto na ang siste,kung talagang malinis at parehas ang layon ni Pink Lacson sa pagtakbo,malalaman ito sa identities ng mga taong nasa likod ng kanyang kandidatura.

The so-called financial backers nito na magpi finance sa pera at iba pang logistic needs ng senador sa pagtakbo nito.

Ang siste,wala naman daw kahit katiting na tsansang manalo ang senador dahil base sa surveys,isa ito sa mga kulelat na kandidato na may 4 percent preference rating.

Malayo sa frontrunner na si Inday Sara namay almost 27 percent at kay Mayor Isko Moreno na close to 17 percent Pangatlo lamang si Pacquiao na may 13-14 percent.

Wala sanang problema sa oposisyon dahil puwedeng gapangin ang survey ratings sa panahon ng campaign period pero ngayon ngang pumasok sa eksena si Lacson,biglang nag-iba ang senaryo.

Lalong lumaki at lumobo ang bentahe ni Mayor Inday Sara Duterte.

Kung sabagay,kung nagawa ito ni Pink Lacson noong 2004 elections kay FPJ,lalong higit na magagawa ito ng senador ngayon kay Pacquiao at Isko Moreno.
Well,talagang ganyan ang buhay…Para-paraan lang!

Sa mga nagtatanong na baka sakali makatsamba at lumusot si Lacson na presidente,well tell that to the devils.

Wala sa kapalaran ni Lacson na maging pangulo ng Pilipinas.

Nobody loves a loser.Lalo na kung hard-loser ka at parating panggugulang sa kapwa ang nasa isip mo.

What moves around,comes around.

Gaba sa Bisaya!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Pink Lacson 2nd time around appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pink Lacson 2nd time around Pink Lacson 2nd time around Reviewed by misfitgympal on Hulyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.