KUNG noong umpisa ay bantulot ang karamihan sa ating magpabakuna laban sa pesteng Covid-19, tila iba na ngayon ang senaryo.
Halos umabot ng nakakagulat na 200% ang mga taong nagnanais na magpaturok ng vaccine.
Ang biglaang pagdoble o pagtriple ng bilang ng mga Pilipino na nakumbinsi nang magpabakuna ay dulot marahil ng maayos na kinalabasan ng media campaign ng DOH at ng iba pang sangay ng gobyerno para sa free mass vaccinations.
Malaking bagay din ang naging kahandaan ng mga LGUs at pribadong sektor para sa hakbanging ito.
Dumami ang venues at lugar para sa mass vaccination na sadyang ginawang komportable sa tao lalo na sa mga senior citizens at mga PWDs,buntis at iba pa na hirap sa kanilang pagkilos o mobilizations.
Naging katanggap-tanggap din sa tao ang epektibo at stress-free registration online para sa pagbabakuna.
Nakita rin ng lahat na walang side effects na naitala patungkol o related sa anti Covid-19 vaccine na ipinagkakaloob ng pamahalaan.
Nakumbinsi ang buong populasyon na ang bakuna talaga ang the best protection nating lahat laban sa pesteng dumating.
Lalo na ngayong nakapagrehistro na tayo ng ilang kaso ng Delta variant cases na lumumpo sa populasyon ng bansang India,Indonesia at iba pang bansang karatig natin.
Ngayon ngang mulat na ang mga Pilipino sa kahalagahan ng bakuna,puwede na tayong lahat umasa ng isang Maligayang Pasko sa darating na Disyembre.
Samahan po natin ng taimtim na dasal at pananalig sa Diyos,pasasaan ba at makakamtam natin ang “old normal” na ating kinakasabikang lahat.
Moral lesson na dapat nating matutunang lahat sa pandemyang dumating ay ang pagpapahalaga sa buhay at mga bagay na simpleng nasa ating posesyon.
Wag maging mareklamo sa klase ng buhay na meron tayo.
Magpasalamat sa buhay na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post MGA PINOY NAGKUKUMAHOG NG MAGPABAKUNA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: