Facebook

Most corrupt agencies tinukoy narin ng DoJ

INANUNSYO narin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga agensiya ng gobiernong may matin-ding katiwalian, kasunod ito ng pagkasa ni Senador Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rody Duterte na maglabas ng listahan ng mga tiwaliang ahensiya.

Nangunguna sa mga binanggit ni Guevarra ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Customs, at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang tinumbok ni Pacquiao na most corrupt sa kanyang listahan na Department of Health (DoH) ay wala raw nakasampang reklamo sa DoJ. Ganun?

Ang sinasabing grabeng katiwalian sa DILG ay sa local government units (LGUs). Sa pagkuha ng mga permit sa city hall o munisipyo, at pag-implement ng mga proyekyo.

Sa DPWH naman, ang malupit sa korapsyon ay sa hanay ng district engineers. Bawat transaksyon dito, milyon milyon ang cash-sunduan, depende sa laki ng proyekto. Mismo!

Maliban sa DoH na tinukoy ni Pacquiao na most corrupt agency (ngayong panahon ng pandemya), nasa listahan niya rin ang: Office of the President (tungkol sa multi-billion intelligence funds), PhilHealth (P15 billion), PNP (sa pagbili ng bodycam), DND (frigates deal), NFT-ELCAC (sa mga pekeng rebel returnees), Bureau of Immigration (sa pastillas syndicate), PAGCOR (sa operasyon ng PO-GOs na karamihan sa trabahador ay illegal Chinese), Department of Tourism (panahon ni Wanda Tufo-Teo), Bureau of Customs (shabu shipments, smuggled goods), PCSO (malalaking incentives ng directors), Bureau of Correction (GCTA for sale).

Lahat ng mga nasangkot dito na Presidential appointees, sa kabila ng mga ebidensya sa katiwalian, ay pilit paring nilinis ni Pangulong Duterte, inilipat lang ng ibang ahensiya. Tulad nina Vitaliano Aguirre, Nicanor Faeldon, Wanda Tulfo-Teo, Sec. Francisco Duque, sino pa ba? Hindi ko na maalala ang iba sa dami.

Ang mga opisyal na ito ay nanganganib na makulong ‘pag nawala sa puwesto si Gongdi.

Kaya all-out sila ngayon para maipanalo ang sino mang iendorso ni Gongdi sa pagkapangulo sa 2022. ‘Yun lang ang paraan para ‘di sila magaya kina dating Presidente Joseph Estrada at Gloria Mcapagal-Arroyo, ex-Senators Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile at ang nakabalik na si Sen. Bong Revilla.

Nakulong si Erap dahil kay GMA. Nakulong sina GMA, Jinggoy, Enrile at Revilla dahil kay late PNoy.

Kaya asahan ang matinding bakbakan sa 2022 Presidential derby. Tiyak uulan ng salapi!!! Abangan!

***

Ngayong tinukoy na ni Pacquiao ang mga ahensiya na lantad ang katiwalian, na kay Pangulong Duterte na kung ano ang gagawin sa mga ito sa loob ng isang linggo tulad ng sinabi niya sa banat kay Pacquiao.

Tingnan natin kung may gagawin nga si Digong sa mga ahensiyang ito? Baka naman sabihin niyang walang katiwalian ang mga ito? Wala nang makikinig sa kanya!!!

***

Inanunsyo ng PDP-Laban ang Go-Duterte (Sen. Bong Go – Rody Duterte) tandem na suportado raw ng mayorya ng mga miembro ng partido.

Paano na sina Bongbong Marcos at Pacquiao? Laban-laban na. Masaya ito.

Subaybayan!!!

The post Most corrupt agencies tinukoy narin ng DoJ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Most corrupt agencies tinukoy narin ng DoJ Most corrupt agencies tinukoy narin ng DoJ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.