Pinagbitiw sa puwesto ang isang municipal administrator nang madiskubre ang inilagay nitong sekretong CCTV camera sa CR ng mga babae sa munisipyo sa bayan ng Atimonan, Quezon.
Kinilala ang municipal administrator na si John Francis Luzano na inamin na konektado sa kanyang cellphone ang CCTV camera.
Sa ulat, nang madiskubre ito ng mga empleyada ay pwersadong pinagbitiw ni Mayor Rustico Jover Mendoza sa puwesto si Luzano at nakiusap ang mayor na huwag nang pag-usapan pa ito.
Kinumpirma ang balita ni 4th District Bokal Dhoray Tan na nagsabing pinalitan na si Luzano ng bagong municipal administrator na si Catherine Alvarez Martinez.
Ayon pa kay Bokal Tan, dating taong simbahan si Luzano, na matalino at magaling na kabataan na nahirang bilang municipal administrator ni Mayor Mendoza mula pa noong 2017.
Nagsilbi rin si Luzano bilang dating pangulo ng pederasyon ng mga Sang. Kabataan ng Atimonan at naupong ex-officio na konsehal ng Sangguniang Bayan at noong 2016 lumabang board member ng 4th district nguni’t ‘di nanalo.
The post Mun. admin. buking sa CCTV camera sa CR ng babae sa munisipyo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: