NAPAKAGANDA ng ginagawang approach ni National Capital Region Office (NCRPO) Chief PMGen. Vicente Danao, Jr. sa paglalayong tuldukan na ang local communist armed conflict (ELCAC), sa pamamagitan ng tinatawag na “Whole-of-Nation” (WoN) scheme.
Dahil na din sa patuloy na paglago ng suporta mula sa mga komunidad na pabor sa kapayapaan at progreso ay parami nang parami ang mga dating Communist Terrorist Groups (CTGs) at CTG Field Operators (CTGFOs) ang tumatalikod na sa ‘communist ideals’ nila upang maging aktibong miyembro ng lipunan.
Ultimo si Gen. Danao ay nagugulat sa paglago ng mga accomplishments na naabot ng kanyang mga tauhan bilang suporta sa paglaban ng pamahalaan sa insurgency at terorismo sa bansa.
Sa isinagawang Retooled Community Support Program (RCSP) Coordinating Meeting kasama ang mga NCRPO-RCSP Team leaders and Joint Task Force (JTF)- NCR kelan lamang, inihayag ni Danao na ang RCSP ay nariyan upang tiyakin na ang problema ng insurgency ay hindi na lulutang pang muli dahil sa kahirapan at kawalan ng suporta mula sa pamahalaan. Tinitiyak niya na ang NCRPO ay patuloy na maglulunsad ng mga programa at proyekto na susuporta sa layuning ito.
Ang RCSP, ayon kay Danao, ay nariyan upang tukuyin ang mga isyu ng komunidad sa pamamagitan ng pagbuwag sa pader na namamagitan sa paggogobyerno at sa development, pagbibigay sa mga komunidad ng kanilang mga pangunahing pangangailangan,at pagtitiyak na tuloy-tuloy ang development at ang kapayapaan sa pamamagitan ng “Whole-of-Nation Approach” na nakapaloob sa Executive Order 70. Ani Danao, ang mga isyung ito ay palagian na lamang ginagamit ng mga maka-kaliwang grupo upang bigyang katwiran ang kanilang mga maling gawain at utuin ang mga inosenteng tao lalo na ang mga kabataan, para sumanib sa kanila at lumaban sa gobyerno.
Panahon na, ayon pa rin kay Danao, para tapusin na ito at paigtingin ang community partnership upang kahit kelan ay hindi na nila maisip o maramdaman ang kawalan ng gobyernong handang sumuporta at makatrabaho sila tungo sa isang ligtas at mas progresibong komunidad.
Ang NCRPO-RCSP Teams ay una nang na-deploy noong June 5, 2021 sa 19 barangay sa metro, kaagapay ang JTF-NCR.
Lahat ng aktibidad, plano at programa ng mga ‘teams on the ground’ ay suportado ni Danao kasama na ang meal provisions sa mga deployed personnel.
Kaugnay naman ng ‘Adopt a Community’ or the Project S.I.B.O.L.(Simula ng Isang Bagong Oportunidad sa Lipunan), pinangunahan din ni Danao ang pagpapasinaya at turnover ng apat na four comfort rooms at bathrooms sa M. Flores Compound sa Barangay Santo Rosario, Silangan, Pateros.
Mula nang ilunsad, ang Project S.I.B.O.L. ay nakapagsagawa na ng serye ng pamimigay ng relief goods, food packs, health kits, slippers, clothes, gardening at clean-up drive activities sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol. Julius Suriben, Chief NCRPO- Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) at PLTCol. Jenny Tecson, Chief PIS-RCADD/RPIO.
Magandang halimbawa ang ipinamamalas ni Danao bilang isang opisyal ng kapulisan na may tunay na malasakit sa kapwa.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.
The post NCRPO Chief Danao, may malasakit sa kapwa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: