HANDANG-HANDA na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ika-6 na State of the Nation Address (SONA) ng President Rodrigo Roa Duterte ngayong Lunes, July 26, kung saan si PMGen.Vicente D Danao, Jr. ang overall security commander ng nasabing pagtitipon.
Simula pa noong isang taon, ang paghahanda para sa SONA 2021 ay naging kakaiba sa mga nakaraang tao bunga ng pandemya na naranasan sa buong daigdig, kaya naman sa ilalim ng liderato ni PMGen. Danao ay isang holistic at extensive na seguridad ang ipagkakaloob ng mga magigiting na kalalakihan at kababaihang mga pulis sa rehiyon.
Dahil sa iba’t-ibang usapin na pinupukol sa pamahalaan ay inaasahan na gagamitin ng mga militanteng grupo ang SONA upang magsagawa ng malawakang protesta. Gayunman, maliban sa Covid 19, isang mas nakakahawang Delta variant na natukoy sa Pilipinas ang naghahasik ng lagim sa mga karatig bansa. Dahil dito ay mahalagang mas paigtingin pa ng puwersa ng kapulisan ang public safety at security operations hindi lamang upang mapigilan ang mararahas na insidente kundi upang matiyak ang istriktong pagtugon sa health and safety protocols ng itinakda ng IATF.
Handa sa mga posibleng banta ng mga would-be-criminals na magsasamantala sa pagtitipon, may kabuuang 15,174 public safety and security forces na binubuo ng 9,919 at 5,255 mga tauhan mula sa NCRPO at composite support units ang ipoposte mula Welcome Rotonda, U.P. Diliman, Tandang Sora, Ever-Gotesco hanggang IBP Road at sa mga karatig na hangganan ng Metro Mabinila.
Sa pangkalahatan ang SWAT-QRTs, CDM, EOD/K9 at Medical Teams mula sa puwersa ng kapulisan ang itatalaga kasama ng Armed Forces of the Philippines, Joint Task Force- NCR (AFP, JTF-NCR), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Health (DOH), Office of the Civil Defense (OCD), Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), QC-Department of Public Order and Safety (DPOS) at Philippine Red Cross(PRC) .
Upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga planong pangseguridad kabilang na ang nabanggit na ang strategic personnel deployment, civil disturbance management, anti-criminality intervention, counter-terrorism, traffic management, Emergency Response Team at iba pang may kinalamang hakbangin ay muling in-activate ng NCRPO ang “Security Task Force SONA 2021”. Ito ay nahahati sa apat (4) na (4) task force TF na kinabibilangan ng Anti- Criminality, TF- Anabay, TF Rimland and TF-Reserved.
Inutos din ni PMGen RD Danao ang malawakang pagpapatupad ng apat na task force para mas ligtas, payapa at maayos na a safe SONA 2021.
Samantala ay ginarantiyahan naman ng 100% suporta ang Presidential Security Group, Sergeant at Arms at House of representatives is guaranteed. Kaugnay pa nito mahigpit ding ipatutupad ng task force ang IATF Guidelines para sa minimum public health standard.
“We have not monitored any threat ahead but we are continuously coordinating with our member-agencies. Let me reiterate my plead to everyone to think of your safety as it is also our ultimate concern. We ask you to choose to stay safe at home with your family. Otherwise, please cooperate , be vigilant and alert during the event. Let us work together to make the last SONA of our President as a safe and peaceful one,” sabi ni PMGen. Danao. (ANDI GARCIA)
The post NCRPO HANDA NA SA SONA 2021 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: