DINAKIP ng National Bureau of Investigation (NBI)ang tatlong tao kabilang ang isang nurse sa pagbebenta ng Sinovac vaccine sa entrapmet operation nitong Huwebes.
Kinilala ang isa sa mga inaresto na si Harjit Kour Gonzales Singh.
Sa report, nakita sa CCTV video sa may Amoranto St., Quezon City ang pagbaba ni Singh sa isang kahon buhat sa compartment ng kanyang kotse na naglalaman ng 300 doses ng Sinovac vaccine na ibinebenta ng P840,000 at dito na siya inaresto ng mga tauhan ng NBI na nagpanggap na buyer.
Timbog din sa operasyon ang dalawa pa nitong kasabwat, na hindi pinangalanan na ang isa ay medical representatives.
Ayon sa NBI, balak ibenta ang bakuna sa Chinese nationals sa halagang P4,150 para sa 1st at second dose.
Ipinagtataka ng NBI kung paano at bakit nailabas ang mga bakuna kung kaya ilang ahensya ng pamahalaan ang kanilang ipapatawag para rito.
Nauna nang kinumpirma ng Manila LGU na isa ngang nurse sa kanilang ospital ang isa sa nadakip, pero tiniyak nitong hindi galing sa kanilang alokasyon ang ibinebentang bakuna.
The post NURSE, 2 PA TIMBOG SA PAGBEBENTA NG COVID-19 VACCINE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: