Facebook

Padyak boy nag-masturbate sa harap ni nene

ARESTADO ang isang tricycle driver nang mag-masturbate ito sa harap ng dalagita sa Calumpit, Bulacan.

Kinilala ang naaresto na si Ryan Raymundo, 31 anyos, habang itago sa pangalang “Barbie” ang 11-anyos na biktima, kapwa residente ng Barangay Gatbuca, Calumpit

Sa report ng Calumpit Police, nangyari ang insidente 10:00 ng gabi nitong Hunyo 30.

Ayon sa report, nang nasa terrace ang biktima may isang lalaki ang dumating na biglang naglabas ng ari at nag-masturbate sa harap nito.

Sa sobrang takot, nagsisigaw ang dalagita. Tumakbo si Raymundo.

Narinig ng ama ng dalagita ang sigaw kaya hinabol nito si Raymundo habang papatakas lulan ng tricycle at naabutan.

The post Padyak boy nag-masturbate sa harap ni nene appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Padyak boy nag-masturbate sa harap ni nene Padyak boy nag-masturbate sa harap ni nene Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.