Facebook

Barangay kagawad sa Isabela timbog sa rape

ISABELA – Kulong ang isang barangay kagawad matapos maaresto sa 3 counts ng rape sa Purok 7, Barangay Pagrang-ayan, Ramon, Isabela

Sa ulat ni Police Lt. Noli Melad Cipriano, hepe ng Ramon Police Station, kay Colonel James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Officer, ang naaresto ay nakilalang si Tomas Cariazo, 58 anyos, may-asawa, kagawad ng Purok 7, Barangay Pagrang-ayan.

Si Cariazo ay nasa top 2 most wanted person sa buong lalawigan ng Isabela.

Pinangunahan ni Lt. Cipriano ang pinagsanib na operatiba ng CIDG RFU2 Santiago City at PIDMU ang pagsilbi ng ‘warrant of arrest’ laban kay Cariazo na inilabas ni Judge Nicasio Brilliantes Bautista III ng RTC 2nd Judicial Region, Branch 21, Santiago City.(Rey Velasco)

The post Barangay kagawad sa Isabela timbog sa rape appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Barangay kagawad sa Isabela timbog sa rape Barangay kagawad sa Isabela timbog sa rape Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.