Facebook

Police trainee nasawi sa ‘graduation run’

NASAWI ang isang police trainee habang apat pa ang nahimatay sa ginawang ’21K Graduation Run’ nitong Hunyo 30 sa Tacloban City.

Ayon sa ulat, hindi pa inilalantad ng Philippine National Police (PNP) Regional Health Service 8 ang sanhi ng pagkamatay ni PT Kit Adrian Balais.

Kinilala ang mga kasama niyang nag-collapse sa graduation run sa PNP Regional Training Center na sina PT Alro Melvin Ardivilla, PT Japhet Sulibaga, PT Neil John Barcellano at PT Mark Joseph Petagara.

Dinala sila sa PNP Regional Health Service pero inilipat kalaunan sa Leyte Provincial Hospital sa Palo, Leyte.

Ngunit idineklarang patay si PT Balais 1:30 ng hapon habang ginagamot pa sa ospital ang mga kapwa niya police trainee.

The post Police trainee nasawi sa ‘graduation run’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Police trainee nasawi sa ‘graduation run’ Police trainee nasawi sa ‘graduation run’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.