Facebook

‘Most wanted’ sa Calabarzon

LAGUNA – Natimbog din ng pinagsanib na mga elemento ng Regional Intelligence Division (RID) Regional Special Operating Unit (RSOU), RFMB4A, Sto. Tomas at Alaminos PNP ang isang most wanted person sa CALABARZON sa Barangay San Isidro, Sto. Tomas, Batangas, Huwebes ng hapon.

Sa ulat ni Laguna PNP Provincial Director, Colonel Serafin Petalio II, kay PRO4A Calabarzon Regional Director Brig. Geneneral Eliseo Cruz, nakilala ang nadakip na si Sandy Golloso, may asawa, ng Barangay San Miguel, Alaminos, Laguna.

Sa talaan ng pulisya, No. 1 most wanted person Regional Level si Galloso sa kasong Murder at Robbery with Violence and Intimidation.

Naaresto si Galloso 3:10 ng hapon ng mga operatiba sa pamumuno ni Capt. Edwin Goyena, hepe ng Alaminos, bitbit ang dalawang Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Agripino Morga ng RTC Br 32, at Judge Luvina Roque ng RTC Br 29, San Pablo City.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Alaminos PNP Custodial Cell. (Dick Garay)

The post ‘Most wanted’ sa Calabarzon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Most wanted’ sa Calabarzon ‘Most wanted’ sa Calabarzon Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.