Facebook

Dating sundalo binaril-patay sa GenSan

PATAY ang isang retiradong sundalo nang pagbabarilin ng mga ‘di kilalang salarin sa harap ng Barangay Hall ng City Heights ng General Santos city.

Kinilala ang biktima na si retired Colonel Elicardo Cabangal, 70, ng Sebastian St., Purok Paradise sa nabanggit na Barangay.

Ayon kay City Heights Bgy. Captain Richie Matutina, paglabas ng biktima mula sa kanyang opisina na nasa tabi lang ng kanyang bahay, may isang Toyota Avanza na kulay puti ang huminto at dumungaw ang isang ‘di kilalang lalaki at pinagbabaril ito.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktima dahil sa tinamo nitong mga tama ng baril sa katawan.

Ayon sa pulisya, ang land conflict ang tinitingnan nilang motibo sa krimen dahil may negosyong real state ang biktima.

The post Dating sundalo binaril-patay sa GenSan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dating sundalo binaril-patay sa GenSan Dating sundalo binaril-patay sa GenSan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.