Facebook

Killer ng negosyante timbog sa buy-bust ops

KORONADAL CITY — Nasa kustodiya na ngayon ng Koronadal City PNP ang salarin sa brutal na pagpatay sa isang negosyante sa Purok Garcia, Barangay Rotonda, Koronadal city.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Eliordo Ogena.

Kinilala ang naaresto na si Clint Peñaranda Caligdong, 21 anyos, laborer, ng Purok Kahirup, Barangay Sto. Niño, Koronadal City.

Naaresto si Caligdong sa isang buy-bust operation sa Purok Poticar, Barangay GPS, Koronadal City Huwebes ng hapon.

Nakuha sa posisyon ni Caligdong ang cellphone ng biktima. Inamin mismo nito na siya ang may kagagawan ng krimen.

Matatandaan na natagpuang walang buhay sa loob ng bahay nito ang biktimang si Carolina Fuentes,55, na nagtamo ng 37 saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan noong Hunyo 19, 2021.

Napag-alaman na ninakawan ni Caligdong ng P1,000 ang biktima ngunit nagising ito dahilan kaya ito pinagsasaksak hanggang mamatay.

The post Killer ng negosyante timbog sa buy-bust ops appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Killer ng negosyante timbog sa buy-bust ops Killer ng negosyante timbog sa buy-bust ops Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.