Facebook

Tsekwa huli sa shabu sa kahon ng face mask sa Mandaluyong

TIMBOG ang isang Chinese national sa anti-drug operation sa Mandaluyong City, Huwebes ng hapon.

Target ng buy-bust ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) special enforcement service at PDEA Region 3 ang 30-anyos na Chinese national na si Khzou Xu, nakatira sa #69 Coronado st., Bgy. Hulo, mandaluyong City.

Sa report, nakuha kay Xu ang 3 sachet ng shabu na nakasilid sa kahong lalagyan ng face mask na tumitimbang ng 100 gramo at may street value na P680,000.

Ayon sa PDEA, 3 taon nang nakatira sa Pilipinas si Xu at nagtrabaho sa Philippine offshore gaming operations pero natanggal ito.

Inaalam ng PDEA ang pinagkunan ni Xu ng supply ng droga. (Edwin Moreno)

The post Tsekwa huli sa shabu sa kahon ng face mask sa Mandaluyong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tsekwa huli sa shabu sa kahon ng face mask sa Mandaluyong Tsekwa huli sa shabu sa kahon ng face mask sa Mandaluyong Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.